MULING nadagdagan ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Maynila.
Ayon sa anunsiyo ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, base sa tala ng Manila Health Department (MHD) hanggang 5:00 pm nitong 22 Abril, ay umabot sa 519 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nasa 673 ang suspected habang walang naitalang probable case sa COVID-19.
Umabot sa 62 ang pasyenteng gumaling sa lungsod habang 54 ang pumanaw.
Ang mga lugar na may naitalang mga kaso sa Maynila ay ang mga sumusunod: Binondo – 7; Ermita – 17; Intramuros – 1; Malate – 33; Paco – 28; Pandacan – 25; Port Area – 4; Quiapo – 10; Sampaloc – 108; San Andres – 37; San Miguel – 8; San Nicolas – 6; Ana – 24; Cruz – 51; Mesa – 43; Tondo 1 – 67; Tondo 2 – 50. (VV)