BINIGYANG-LINAW ni Senator Christopher “Bong” Go, patunay ang pagkakaisa at kawalan ng kulay politika sa paghahanap ng solusyon sa COVID-19, ang pag-imbita ng administrasyon sa limang dating Health secretaries ng mga nagdaang administrasyon.
Sinabi ni Go, sa sitwasyon ng bansa ngayon na nahaharap sa pandemic, dapat nang isantabi ang politika dahil kailangan ng matinding pagtutulungan at pagkakaisa.
Paliwanag ni Go, dapat maisip ng marami na kapag bumagsak ang gobyerno, damay ang lahat kaya dapat nang magkaisa ang mga Filipino para mapuksa ang COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Go, naniniwala silang malaking tulong ang mga impormasyon na ibinahagi ng mga dating Kalihim para malampasan ang health crisis na kinakaharap ng bansa.
Dagdag ni Go, hindi makatutulong ang pagkakalat ng fake news ng ilan.
Binigyang diin ni Go, wala silang ibang hangarin ngayon kundi ang maiahon ang bansa sa health crisis na dulot ng COVID-19 dahil mahalaga ang buhay ng bawat Filipino. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)