Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres, gagawa ng pyscho movie bilang vampire

Naka-post ngayon sa Facebook account ni Dovie San Andres ang pictures niya na vampira siya dahil ito raw ang gusto niyang character sa psycho movie na kanyang ipo-produce at pagbibidahan kasama ang ibi-build up na anak na si Elrey “Binoe” Alecxander at ang actor-director na si Vic Tiro pa rin ang magdi-direk nito.

Sa mga ginawang acting videos ni Dovie naipakita niya, fitted siya to portray the role of vampira, at talagang matatakot sa aspiring actress. In all fairness, mahusay umarte si Dovie.

Pero biniro namin ang kaibigang controversial social media personality (Dovie) na bilang vampire baka ang una niyang kagatin sa gagawing film ay ang ex niyang user at hustler na 9 months siyang binola na kesyo mahal siya pero peperahan lang pala.

Yes, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Dovie sa aktor-aktoran na minahal niya dahil

pinaniwala siya nitong siya ang ibinigay ng Itaas kapalit ng boyfriend niyang indie actor-model na si Khristian Michael Villanueva na namayapa noong nakaraang taon.

Gabi-gabing iniiyakan ni Dovie ang tila bangungot na dumating sa kanyang buhay. Pero dapat magsimula raw siyang muli kaya todo diet siya, hindi lang para sa kanyang kalusugan kundi para na rin sa pagpasok niya sa showbiz.

Kung hindi lang nagkaroon ng COVID-19 sa buong mundo ay last March pa dapat nakabalik sa Filipinas si Dovie dahil naho-homesick na raw talaga siya, at gusto na niyang umuwi.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …