FINALLY, nakauwi na si Sylvia Sanchez sa bahay nila kahapon ng umaga base na rin sa post niya sa kanyang Facebook.
Base sa post niya, “SALAMAT SA DIYOS! Nakauwi na po ako matapos mag negative sa COVID19! Ang asawa ko po ay kailangan pang manatili ng 2-3 araw sa ospital para sa isa pang test. Maraming maraming salamat sa inyong mga dasal!”
Nabanggit naman ni Papa Art Atayde nang makatsikahan namin na posibleng sa susunod na linggo siya lumabas ng hospital. May hinihintay pa kasi siyang isa pang test para tuluyang maging negatibo.
As of now ay masayang kapiling ni Ibyang ang mga anak na ilang linggo niyang hindi nakasama.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan