NADAGDAGAN pa ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00 pm nitong Lunes, 23 Marso, nadagdagan ng 82 kaso ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitala sa bansa sa loob ng isang araw.
Dahil dito, pumalo sa 462 ang kabuuang confirmed COVID-19 patients sa kasalukuyan.
Samantala, sinabi ng DOH, may isa pang pasyente na naka-recover sa nakahahawang sakit.
Gumaling ang patient number 73 o PH73 na isang 54-anyos na lalaki mula sa Maynila. Siya ay travel history sa Thailand.
Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong 6 Marso at nakompirmang positibo sa COVID-19 noong 13 Marso.
Sinabi ng DOH, na-discharge ang pasyente noong 21 Marso nang maging asymptomatic at nagnegatibo sa sakit.
Dahil dito, nasa 18 ang gumaling na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mula naman sa 25 ay nadagdagan ang bilang ng mga namatay at umakyat sa 33.
Ayon kay Health spokesperson Ma. Rosario Vergeire, malaking bahagi ng 100,000 na test kits sa bansa ay dadalhin sa RITM dahil ito ang mayroong pinakamalaking laboratoryo.
Sinabi ni Vergeire na may dalawa pang testing centers ang posibleng madagdag. Ito ay sa Western Visayas Medical Center at sa Bicol Public Health Laboratory.
(CYNTHIA MARTIN)