Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QC quezon city

Ayuda sa kawani ng Quezon city hall hiniling sa konseho

BUNSOD ng kinakaharap na krisis ngayon dahil sa ipinatutupad na “enhanced community quarantine” dala ng coronavirus disease (COVID 19), isang panukalang resolution ang ipinanukala sa Quezon City Council para matulungan ang mga empleyado ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng calamity at financial assistance sa mga kawani ng pamahalaan ng lungsod Quezon.

Isang resolution ang ipinanukala ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco at 4th District Marra Suntay upang matulungan ang mga kawani ng lungsod Quezon sa pagkakaloob ng calamity at financial assistance.

Ayon kay Francisco, habang nasa ilalim ang Luzon ng enhanced community quarantine, ang pamahalaang lungsod Quezon ay magka­kaloob ng tulong sa mga kawani ng lungsod dahil sa kinakaharap na coronavirus disease (COVID 19) sa pamamagitan ng pagbibigay ng calamity financial assistance.

Sinabi ng konsehal ng 5th district, ang banta ng COVID 19 ay patuloy na nagbabanta at habang ang pamahalaan ay gumagawa ng paraan para mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon ng COVID 19, hindi rin dapat kalimutan ang financial na aspekto at pangangailangan ng mga kawani at kung paano sila matutulungan sa kinakaharap na krisis dala ng pandemic.

“Nais natin matulungan ang mga kawani ng pamahalaang lungsod Quezon na mapagaan ang kanilang paghihirap na nararanasan dulot ng Covid 19,” ani Francisco.

Sinabi ni Francisco, ang calamity/financial assistance ay isang subsidiya na ibinibigay sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan bilang assistance upang maigpawan ang narara­nasang krisis bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga kawani ng pamahalaan.

Idinagdag nito, sa mga nagtataasang presyo ng pangu­nahing bilihin, maka­daragdag na pantustos ng mga empleyado ng pamahalaan ang pagbibigay ng emergency allowance.

Hinihiling din sa resolution, na maging ang mga barangay ay magkaloob ng financial assistance sa kanilang kawani mula sa kanilang taunang pondo at kung hindi ito sapat ay maaari silang humingi ng tulong o ayuda sa pamahalaang lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …