Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7,000 namatay sa COVID 19 sa buong mundo

UMABOT na sa 7,984 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ay matapos na makapagtala ng 823 binawian ng buhay sa nakalipas na mag­damag.

Ang Italy ay mayroon nang 2,503 bilang ng mga namatay habang 988 ang bilang sa Iran.

Narito ang breakdown ng mga naitalang namatay sa iba’t ibang bansa at teritoryo na apektado ng COVID-19: China – 3,237 (11 new); Italy – 2,503 (345 new); Iran – 988 (135 new); Spain – 533 (191 new); Germany – 26 (9 new); S. Korea – 84 (9 new); France – 175 (27 new); USA – 112 (23 new); Switzerland – 27 (8 new); UK – 71 (16 new); Netherlands – 43 (19 new); Norway – 3; Austria – 4 (1 new); Belgium – 10; Sweden – 8 (1 new); Denmark – 4; Japan – 29 (1 new); Diamond Princess – 7; Malaysia – 2 new; Canada – 8 (4 new); Australia – 5; Portugal – 1; Greece – 5 (1 new); Brazil – 1 new; Ireland – 2; Slovenia – 1; Pakistan – +-1; Bahrain – 1; Poland – 5 (1 new); Egypt – 6 (2 new); Philippines – 14 (2 new); Thailand – 1; Indonesia – 7 (2 new); Hong Kong – 4; Iraq 11 (1 new); India – 3 (1 new); Luxembourg – 1; Lebanon – 4 (1 new); San Marino – 11 (2 new); Ecuador – 2; Turkey – 1 new; Bulgaria – 2; Argentina – 2; Taiwan – 1; Panama – 1; Algeria – 5 (1 new); Albania – 1; Hungary – 1; Morocco – 2 (1 new); Azerbaijan – 1; Dominican Republic – 1; Martinique – 1; Ukraine – 2 (1 new); Guatemala – 1; Guyana – 1; Cayman Islands – 1; Sudan – 1.

Umabot na sa 198,255 ang bilang ng mga apektado ng naturang sakit.

Narito ang mga bansa na nakapagtala ng maraming kaso: China – 80,894; Italy – 31,506; Iran – 16,169; Spain – 11,826; Germany – 9,367; S. Korea – 8,320; France – 7,730; USA – 6,469.

Samantala, isang empleyado mula sa ibang tanggapan ang nagpositibo sa COVID-19 sa gusali kung saan naroroon ang opisina ng CNN.

Dahil dito, nagpasya ang CNN Philipines na magsuspinde muna ng kanilang operasyon.

Buong araw o 24 oras na off the air ang CNN pero magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng balita sa kanilang website, Facebook at Twitter.

“We have prepared for this emergency. For more than two weeks, many of our colleagues have been isolated and working from home already,” ayon sa statement ng kompanya.

Isasailalim sa dis­infection ang Worldwide Corporate Center sa Shaw Boulevard sa Manda­luyong City.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …