Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hazard pay sa frontliners hirit ng mambabatas

AGAD nanawagan si Senator Risa Hontiveros na  mabigyan ng hazard pay ang ‘government frontliners’ na humsharap laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Tinutukoy ng senadora ang health workers, government service workers, sundalo, pulis at mga miyembro ng security force.

Diin ni Hontiveros, malaki ang isinasakripisyo ng nasabing sektor kaya dapat silang ituring na mga bagong bayani para hindi na lumala pa ang sitwasyon at agaran mabigyan ng tulong ang mga apektado.

Paliwanag ni Hontiveros, sa ilalim ng Republic Act 7305 o ang Magna Carta of Public Health Workers, ang mga doktor, nurse at iba pang health workers sa pampublikong sektor na nahaharap sa panganib sa pagtupad ng  kanilang tungkulin ay dapat bigyan ng karagdagang hazard pay na hindi bababa sa 25 porsiyento ng kanilang buwanang suweldo.

Ang panawagan ng senadora ay hindi lang para sa puclic sector dahil kailangan din sa pribadong sektor na bigyan ng dagdag benepisyo ang mga taga-media, guwardiya, bank tellers, shopping attendants, at ang mga hotel and restaurant workers.

Samantala, pinapurihan ni Senator Grace Poe ang mga korporasyon na nag-anunsiyo ng payment extensions kasunod ng ipinatutupad na ‘community quarantine.’

Kinilala ni Poe ang kahalagahan ng pagtugon ng mga nasa pribadong sektor para sa kanilang mga kustomer o consumer at para tiyakin ang patuloy na serbisyo.

Una nang nag-anunsiyo ang Globe, Smart PLDT, Skycable, at GSIS na magpapatuloy ang kanilang serbisyo kahit sumang-ayon sila sa payment moratorium.

Kasabay nito, ang panawagan ni Poe sa iba pang mga pribadong korporasyon na palawigin na rin ang deadline ng pagbabayad ng kanilang mga kliyente dahil sa sitwasyon ngayon ng COVID-19.

Kabilang sa mga nabanggit ng senadora ang mga banko at private and government financial institutions at ang kanyang apela ay huwag muna maningil ng multa dahil sa naantalang pagbabayad ng obligasyon.(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …