NEGATIBO ang resulta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos ang ilang araw nitong official business trip sa United Kingdom.
Sa abiso ng Manila Public Information Office, lumabas ang resulta ng lab test ng alkalde kahapon ng tanghali 15 Marso.
Bukod kay Isko, negatibo rin ang kanyang chief of staff na si Cesar Chavez na kasama rin sa kanilang biyahe sa London, UK.
Ayon kay Chavez, dumating sila sa Maynila, 11 Marso ng gabi at agad silang nagpa-self quarantine at sumailalim sa test upang matiyak ang kanilang kalusugan laban sa COVID-19.
Aniya, tumagal ang kanilang self quarantine na namalagi lamang sa kani-kanilang opisina mula 11 Marso hanggang 15 Marso.
Samantala, sinabi ni Manila PIO chief Julius Leonen, ngayon lamang siya sasailalim sa test. Si Leonen ay kasama rin sa UK trip ng alkalde. (VV)