SIMULA sa 15 Marso 2020, araw ng Linggo, ipatutupad na ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Año, ilan sa mga klaripikasyon on #NCRQuarantine because of #Covid19 ay:
(1) Hindi ito total lockdown. We’re just restricting movement, going in and outside of Metro Manila.
(2) Ang strategy ay maglagay ng checkpoints sa boundaries ng Metro Manila and neighbouring provinces.
(3) Papayagang makapasok ang mga taga-probinsiya na nagtatrabaho sa Metro Manila. Pero kailangan ng proof na rito talaga sila sa Metro Manila nagtatrabaho.
(4) Para hindi ma-defeat ang purpose ng lockdown, papasok ang DOTr para mag-impose ng measures na ma-enhance ang ating social distancing, sa loob ng bus at public transport, basta may kaukulang space. These people are called the Manila population by the day.
(5) Buses will continue to be allowed to serve workers from the nearby provinces who work in Metro Manila.
(6) Buses and private cars will have to go through checkpoints, and employees will have to show proof that they work in Metro Manila. Company IDs should suffice. Those who have businesses will also be allowed.
(7) There is a projection from the WHO that the cases will grow exponentially. Ang estimate nila is 75,000 cases, with 5% na severe or serious, and 3% who will die.
Gaya sa inihayag ng Pangulo kahapon, matatapos ang self-quarantine sa 12 Abril 2020.
Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang kuwestiyon lalo ang mga pangkaraniwang mamamayan na hindi alam kung ano ang nangyayari ngayon.
Ang tanong nga ng mga pangkaraniwang mamamayan, ano ba ang itsura ng self-quarantine?
Hindi na ba sila makapagtatrabaho? Paano ‘yung mga umaasa sa pang-araw-araw na kita gaya ng mga vendor, at mga driver na namamasahero mula tricycle, jeepney, bus, taxi at iba pang pampublikong transportasyon, at iba pa?
Nakanenerbiyos ang petsang ito — Biyernes a-trese — lalo na kung hindi maipapaliwanag nang husto sa mamamayan kung ano ba itong self-quarantine.
Hindi kaya lalong mag-panic ang makukuwarta at tuluyang pakyawin ang mga paninda sa malalaking tindahan?!
Paano magiging pabor sa maliliit na mamamayan ang pagdedeklara ni Pangulong Digong ng state of public health emergency?!
Nawa’y maipaliwanag ito nang husto sa batayang masa nang sa gayon ay maramdaman naman nilang may halaga sila sa pamahalaan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap