Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Self-imposed community quarantine o lockdown?

SIMULA sa 15 Marso 2020, araw ng Linggo,  ipatutupad na ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Año, ilan sa mga klaripikasyon on #NCRQuarantine because of #Covid19 ay:

 (1) Hindi ito total lockdown. We’re just restricting movement, going in and outside of Metro Manila.

(2) Ang strategy ay maglagay ng checkpoints sa boundaries ng Metro Manila and neighbouring provinces.

(3) Papayagang makapasok ang mga taga-probinsiya na nagtatrabaho sa Metro Manila. Pero kailangan ng proof na rito talaga sila sa Metro Manila nagtatrabaho.

(4) Para hindi ma-defeat ang purpose ng lockdown, papasok ang DOTr para mag-impose ng measures na ma-enhance ang ating social distancing, sa loob ng bus at public transport, basta may kaukulang space. These people are called the Manila population by the day.

(5) Buses will continue to be allowed to serve workers from the nearby provinces who work in Metro Manila.

(6) Buses and private cars will have to go through checkpoints, and employees will have to show proof that they work in Metro Manila. Company IDs should suffice. Those who have businesses will also be allowed.

(7) There is a projection from the WHO that the cases will grow exponentially. Ang estimate nila is 75,000 cases, with 5% na severe or serious, and 3% who will die.

Gaya sa inihayag ng Pangulo kahapon, matatapos ang self-quarantine sa 12 Abril 2020.

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang kuwestiyon lalo ang mga pangkaraniwang mamamayan na hindi alam kung ano ang nangyayari ngayon.

Ang tanong nga ng mga pangkaraniwang mamamayan, ano ba ang itsura ng self-quarantine?

Hindi na ba sila makapagtatrabaho? Paano ‘yung mga umaasa sa pang-araw-araw na kita gaya ng mga vendor, at mga driver na namamasahero mula tricycle, jeepney, bus, taxi at iba pang pampublikong transportasyon, at iba pa?

Nakanenerbiyos ang petsang ito — Biyernes a-trese — lalo na kung hindi maipapaliwanag nang husto sa mamamayan kung ano ba itong self-quarantine.

Hindi kaya lalong mag-panic ang makukuwar­ta at tuluyang pakyawin ang mga paninda sa malalaking tindahan?!

Paano magiging pabor sa maliliit na mamamayan ang pagdedeklara ni Pangulong Digong ng state of public health emergency?!

Nawa’y maipaliwanag ito nang husto sa batayang masa nang sa gayon ay maramdaman naman nilang may halaga sila sa pamahalaan.

         

MORE POWER
WAGI SA ERC

HINDI nadala ng ano mang propaganda ang Energy Regulatory Commission (ERC) kaya ang More Electric and Power Corp (More Power) ang kinilala nilang nag-iisang distribution utility sa Iloilo City na may legislative franchise gaya ng itinatakda ng batas at nag-iisang kompanya na inisyuhan nila ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng koryente sa buong Iloilo City.

Kahit may usaping legal, sinabi ni ERC Chairman Agnes Devanadera, sa pagitan ng Panay Electric Company (PECO) at More Power kabilang ang nakabinbing kaso sa Iloilo Regional Trial Court na isang expropriation case, hindi nito kayang pigilan kung patungkol sa operasyon ng Distribution Utility ang pag-uusapan dahil ang huridiksiyon na ito ay hawak ng ERC alinsunod sa itinatakda ng EPIRA law.

“We respect the cases pending in the lower courts but the fact remain that the ERC has the exclusive authority by virtue of the law when it comes to supply of electrcity, power and generation rates and operation of Distribution Utilities. We stand by our March 5 order that More Power should be the one who should supply the electricity in Iloilo City,” paliwanag ni Devandera.

Iginiit ni Devandera, dahil nagsalita ang ERC ukol sa isyu, ang desisyon nito ang dapat manaig at pakinggan ng mga taga-Iloilo.

“More Power is recognized as the only Distribution Utility of Iloilo City, this should be clear among parties,” paliwanag ni Devandera na ang paglilinaw umano ay ginagawa ng ERC upang maiwasan ang gulo na nangyayari ngayon sa lalawigan.

Sinabi ni Devandera, hindi dapat malito ang mga residente kung saan magbabayad ng kanilang billing dahil malinaw sa kanilang order na ang More Power ang kanilang kinikilala bilang lehitimo at nag-iisang Distribution Utility sa Iloilo.

Samantala, inilinaw din ni Devanadera, walang nilalabag ang More Power nang mag-operate kahit wala pang Certificate of Exemption mula sa Department of Energy (DOE), aniya, ang kaso ng More Power ay maituturing na emergency dahil ang kanilang ikinokonsidera rito ay matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo ng pagbibigay ng supply ng koryente sa mga residente.

Inaasahan umano na magpapalabas ng sertipikasyon ang DOE sa operasyon ng More Power dahil ito ang may hawak ng prankisa.

Congratulations More Power!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *