Wednesday , December 4 2024

Handa ba talaga sa “State of Public Health Emergency” ang pamahalaan?

HANDA ba talaga ang pamahalaan na magpatupad ng “State of Public Health Emergency” kaugnay ng krisis sa coronavirus o COVID 19?

E kasi ba naman, masyado tayong nagtataka kung bakit tuwing haharap sa panayam ang mga opisyal ng gobyerno at Department of Health (DOH) e parang wala silang alam gawin kundi takutin o alarmahin ang sambayanan.

Sa araw-araw yatang ginawa ng Diyos, nag-aanunsiyo ng ‘numero’ ang DOH pero hindi naman nag-aanunsiyo kung ano ang nararapat gawin?!

Isa pa, bakit kailangan ianunsiyo kung hindi pa tiyak o hindi pa sigurado?! Lalo tuloy nagpa-panic ang mga tao.

Ano ba ang magagawa ng isang pangkaraniwang tao sa numerong ‘yan?! Dapat ang iniaanunsiyo, ano ang gagawin upang makaiwas.

At saka puwede ba, magtrabaho nang tahimik ang mga kinauukulang awtoridad, tigilan ang mga anunsiyo na wala namang maitutulong sa mamamayan?!

Wala namang magagawa ang pag-aanunsiyo ng ‘bilang’ kung walang kakibat na paghahanda.

Ano na ba ang ginagawa ng mga health workers sa barangay level?! Mayroon bang health workers sa barangay level?!

Kung mayroon, hayaan silang mag-ikot sa bawat komunidad at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Sino ang magdi-disinfect sa mga pasilidad? Kanino kukunin ang mga kagamitang kailangan sa disimpeksiyon?

Kung kinakailangan mamahagi ng alcohol, face mask at iba pang kailangan para sa prevention, saang tanggapan kukunin?!

Kung hindi pa po nagagawa ang mga bagay na ‘yan, masasabi nating ang kahandaan para sa state of public health emergency ay nananatiling hilaw.

Kaya imbes magparamdam ng seguridad sa mamamayan ay lalo pang nagbubunsod ng ‘panic’ kung anunsiyo nang anunsiyo lang ng bilang ng mga apektado ng COVID 19.

Kaya isang tanong, isang sagot lang po, kanino makikinig ang mamamayan kaugnay ng COVID 19 at kanino sila kukuha ng mga kakailanganin upang  makapaglunsad ng preventive measures?!

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *