IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency matapos lagdaan ang Proclamation 922 ilang oras matapos iulat ng mga awtoridad ang karagdagang sampung kompirmadong kaso ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.
Sa sampung nakompirmang kaso, pito ay nasa pagamutan, dalawa ay gumaling na, habang isa ang namatay, na nabatid na isang turistang Chinese.
Inilabas ang proklamasyon batay sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Kahapon, opisyal na ipinahayag ng DOH, umabot na sa 20 tinamaan ng COVID 19.
“All government agencies and LGUs are hereby enjoined to render full assistance and cooperation and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent, and appropriate response and measures in a timely manner to curtail and eliminate the COVID-19 threat,” ani Pangulong Duterte sa Proclamation 922.
Binibigyan ng Proclamation 922 ng kapangyarihan si Health Secretary Francisco Duque III na mag-utos sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies na magbigay ng tulong upang mapagtuunan ng pansin ang banta ng COVID-19.
“All citizens, residents, tourists, and establishments owners are urged to act within the bounds of the law to comply with the lawful directives and advisories to be issued by appropriate government agencies to prevent further transmission of the COVID-19 and ensure the safety and well-being of all,” dagdag ng Pangulo.
Mananatili ang bansa sa state of public health emergency hanggang ianunsiyo ng Pangulo ang pagtatapos nito.
Itinaas din ng DOH sa Code Red Sublevel 1 ang bansa simula noong Sabado matapos makompirma ang unang lokal na transmisyon ng COVID-19.
Sa buong mundo, mahigit 100,000 katao ang tinamaan ng coronavirus at higit 3,800 ang binawian ng buhay na karamihan ay naiulat sa Hubei, China, ang epicenter ng epidemya.
HATAW News Team
Unang kaso ng COVID-19
sa Marikina naitala
86-ANYOS LOLONG
NAG-TOUR SA SOUTH
KOREA POSITIBO
KINOMPIRMA kahapon, 9 Marso, ng pamunuan ng lungsod ng Marikina ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa siyudad.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, isang 86-anyos lalaking residente ng lungsod ang nagpositibo sa isinagawang pagsusuri sa nabatid na sakit.
Inilinaw ni Teodoro na ang nasabing senior citizen ay kadarating mula sa kanyang biyahe sa South Korea at kasama sa sampung bagong kaso ng COVID-19 na nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH).
Dahil dito, agad ipinag-utos ng alkalde ang massive disinfection sa buong lungsod.
Maglalabas ng memorandum order si Teodoro sa mga susunod na oras para sa estriktong pagsunod at disinfection partikular sa mga eskuwelahan, malls, at iba pang pampublikong lugar.
Sa ngayon, nauna nang nagpahayag ng suspensiyon ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ang lungsod simula ngayong araw 9 Marso hanggang 11 Marso.
Bukod dito, pinigil na rin ng alkalde ang Palarong Pambansa na dapat ay gaganapin sa 1-9 Mayo 2020 sa lungsod para sa seguridad ng mga atleta at kanilang mga pamilya dahil sa banta ng COVID-19.
(EDWIN MORENO)
2 PINOY SA LEBANON
POSITIBO SA COVID 19
KINOMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may dalawang Filipino ang nagpositibo at nahawaan ng coronavirus disease (COVID 19) sa Lebanon.
Base sa news conference sa Malacañang, ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez ang dalawang Pinoy na nagpositibo sa virus at kasalukuyang naka-quarantine sa isang ospital sa Lebanese capital ng Beirut.
Inihayag ng ahensiya, may mga Pinoy rin sa Hong Kong, United Arab Emirates, at Singapore ang nakompirmang may impeksiyon ng virus.
Sinabi ni Meñez, may 80 Filipino sa Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama, Japan ang napaulat din na may COVID-19, 40 sa kanila ay nagamot na. (JAJA GARCIA)
LIVE AUDIENCE
NG ‘EAT BULAGA’
SUSPENDIDO
PANSAMANTALANG itinigil ng Eat Bulaga ang pagpapapasok ng live studio audience sa gitna ng COVID-19 outbreak sa bansa.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Eat Bulaga sa social media, inilabas ang desisyon upang makatulong na pigilan ang pagkalat ng virus at upang maseguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga talent, staff, crew at mga manonood.
“Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19. Araw-araw pa rin po kaming maghahatid ng isang libo’t isang tuwa sa inyong mga tahanan. Ingat po tayong lahat, Dabarkads!” nakasaad sa kanilang pahayag.
Dahil sa outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) isinailalim ang bansa sa state of public health emergency.
Nauna nang inianunsiyo ng mga opisyal ng DOH na may kabuuang 20 kompirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Upang mapigilan ang pagkalat ng virus, inabisohan ang publiko na maging mas malinis sa kanilang katawan at kapaligiran sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask, at pag-iwas sa matataong lugar. (KLGO)
Solusyon
ng Cebu Pac
sa epekto
ng COVID-19
KALTAS SA SAHOD
KAYSA TANGGALAN
SA TRABAHO
IMBES tanggalin ang kanilang mga empleyado sa trabaho, pinili ng mga opisyal ng Cebu Pacific senior management na kaltasan ng 10 porsiyento ang sahod upang maibsan ang economic impact ng COVID-19.
Hindi pa naglalabas ang local airline ng kanilang opisyal na pahayag kaugnay nito ngunit inilabas ng ibang empleyado ng kompanya ang impormasyong ito.
Kinompirma ito ng isa sa mga senior airline official at sinabing ito ang tamang gawin na hindi pa segurado kung hanggang kailan magtatagal.
Hindi na nagpaunlak ng ibang komento ang airline official.
Wala pang kompirmasyon kung ilang trabaho ang maililigtas ng pagkakaltas sa kanilang sahod.
Bukod dito, nag-freeze hiring at pinapayagan ng Cebu Pacific ang kanilang mga empleyado na mag-leave upang maibsan ang iba pang epekto sa kanilang ekonomiya ng virus.
Ginawa rin ito ng iba pang kompanya gaya ng Singapore Airlines, na magkakaltas ng 15 porsiyento sa sahod ng kanilang senior management, kabilang na ang CEO. (KLGO)
Anunsiyo
ni Yorme sa Maynila
WALANG PASOK
SA ESKUWELA
MAAGAP na idineklara ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang-linggong walang pasok sa eskuwela sa lahat ng antas sa Lungsod ng Maynila.
Iniutos ni Moreno ang suspensiyon ng klase simula kahapon, 9 Marso hanggang 15 Marso 2020.
Kahit nasa ibang bansa si Moreno, kanyang naisip ang agarang suspensiyon sa klase sa lungsod bilang tugon sa inilabas na guidelines ng Department of Health (DOH) laban sa banta ng coronavirus o COVID 19.
Nabatid, ang alkalde ay nagtungo sa London sa isang opisyal na misyon.
Kaugnay nito, ang suspensiyon ng klase ay ginawa ni Mayor Isko sa kanyang Facebook Live kahapon ng tanghali.
Ang hakbang na ipatigil ang klase ay upang linisin at ma-disinfection ang mga pasilidad sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Ani Isko, na ang mga estudyante lamang ang walang pasok at tuloy pa rin ang trabaho ng mga empleyado sa Maynila.
Nabatid, mayroong 14 katao ang sinusubaybayan ng Manila Health Department (MHD) ngunit wala pang indibiduwal na person under investigation (PUI).
Matatandaan, nitong nakaraang linggo, ikinasa ang paghahanda ng Maynila para sa bagong pasilidad sa 10/F ng Sta. Ana Hospital — ang Manila Center for Infectious Disease Control (MCIDC) bilang tugon sa posibleng outbreak ng COVID-19 at bilang ayuda sa DOH-RITM at San Lazaro Hospital.
(BRIAN BILASANO)
Pondo pinakilos
ni Mayor Oca
PASOK SA ESKUWELA
SUSPENDIDO
INIHAYAG kahapon ng Caloocan City government na suspendido ang pasok ng mga estudyante sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong mga paaralan sa lungsod ngayon araw, Martes at sa Miyerkoles dahil sa banta ng coronavirus (COVID 19).
Ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ang suspension order ay inisyu upang payagan ang ipinag-uutos na dalawang araw na pangkalahatang kalinisan at disimpeksiyon ng kanilang mga campus at maglagay ng mga pag-iingat na hakbang sa lugar laban sa pagkalat ng virus.
Sinabi ng alkalde, ang pamahalaan ng Caloocan ay magkakaloob ng karagdagang mapagkukunan sa mga pampublikong paaralan sa loob ng lungsod upang madagdagan ang kanilang kapasidad sa disimpeksiyon at kalinisan ng kanilang mga lugar.
Tiniyak ni Mayor Oca na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat ng kinakailangang hakbang sa pag-iingat upang matiyak na hindi kumalat ang naturang sakit sa lungsod.
Anang alkalde, mula nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency ay pinahihintulutan ang mga pampublikong paaralan sa lungsod na mapakilos ang kanilang mga mapagkukunan, kabilang ang kanilang maintenance and other operating expenses (MOOE) upang labanan ang coronavirus.
(ROMMEL SALES)
PARAÑAQUE
AT PASAY KUMILOS
VS COVID 19
NANINIWALA si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na wala pang suspected cases ng coro-navirus 2019 (COVID 19) sa kanyang nasasakupan gayonman walang hum-pay sa pagkilos ang kani-yang administrasyon la-ban sa posibilidad na maapektohan ang lung-sod tulad ng ilang siyu-dad sa Metro Manila.
Kahapon, inatasan ng alkalde ang integrated resort owners at mana-gers ng Philippine Off-shore Gaming Operators (POGOs) na mag-report sa Parañaque Health Office sa loob ng linggong ito bilang hakbang laban sa banta ng COVID 19.
Nagbabala ang alkalde, kakasuhan ang mga may-ari ng condomi-niums at buildings na tumatanggap ng libong Chinese POGO workers, dahil paglabag umano ito sa subdivision rules.
Napag-alaman, nasa Parañaque ang 19 POGO offices na tinatayang nasa 6,000-7,000 ang Chinese workers, pawang mata-tagpuan sa Quirino Ave., Entertainment City at Coastal Road.
Idineklara ang ‘red alert’ level ng Health personnel hanggang sa barangay level kaugnay sa posibleng pagkakaroon ng COVID 19 matapos ibulgar ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy sa pagtaas ang bilang ng POGO workers ngayong taon.
Iniutos ni Mayor Olivarez, sa hotel owners, POGO managers at inte-grated casino officials na makipag-ugnayan sa bi-nuong Coronavirus Task Force ng City Health Office at ipakita ang kani-lang ipinatutupad na pre-cautionary measures at reminders sa kanilang guests at kung hindi umano gagawin ang standard protocol ay kanyang ipasasara.
Ang naging aksiyon ng Parañaque ay bilang tugon sa reklamo at pa-nawagan ng mga residen-te sa Multinational Vil-lage, na nakapasok sa kanilang subdibisyon ang mga dayuhang online gambling dealers na halos 70% ang populasyon.
Nangangamba ang mga residente sa patuloy na konstruksiyon ng mga tenement-type buildings, dahil may posibilidad na madagdagan pa ang po-pulasyon na nakararanas ngayon ng paghina ng water supply, madalas na power transformer blow-outs, pagtaas ng pro-blema sa koleksiyon ng basura at pagkasira ng mga kalsada at problema sa trapiko.
(JAJA GARCIA)