Sunday , December 22 2024

Empire Travel dapat busisiin pa! (ATTENTION: Sen. Risa Hontiveros)

ANO mang araw ngayon ay magaganap ang huling pagdinig tungkol sa “pastillas scheme” sa BI-NAIA na isiniwalat ng whistleblower na si IO Allison Chiong.

Highlight dito ang inaasahang pagdalo ni dating SOJ Vitaliano “Vit” Aguirre at ng Manila Times correspondent na si Ramon Tulfo.

Hindi pa man natatapos ang pangalawang hearing ay nagpahayag ng galit at pagtanggi ang dating kalihim sa mga akusasyon ng kolumnista tungkol sa pagiging protektor ng Pastillas 19 na akusado sa nasbaing isyu!

Noon pa ay iginigiit ni Tulfo na si Aguirre ay tumatanggap ng ‘tara’ kina dating POD Chief Marc Red Mariñas at sa dating executive assistant nito na si Fidel Mendoza.

Ito naman ay mariing pinabulaanan ng dating bossing ng DOJ at sinabi na matindi ang galit sa kanya dahil sa hindi pagpayag na i-consolidate ang 80 kaso na isinampa ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa iba’t ibang lugar sa Filipinas.

Inaasahan din na muling babalik si Mariñas kasama ang Pastillas 19 na unang inakusahan ni IO Chiong.

Para sa atin ay kailangan pa rin humarap sa senado ng may-ari ng New Empire Travel na si Liya Wu!

Tila kulang ang impormasyon na nakarating sa mga senador tungkol sa totoong partisipasyon ng travel agency nito na nang-abuso sa Visa Upon Arrival (VUA)?!

Alam kaya nina Madam Risa na isa sa violations ng New Empire ang mag-facilitate ng “overnight” prosessing at approval ng VUA?

For sure hindi rin nakarating sa kaalaman ng mga senador na may special instruction at treatment pagdating sa New Empire na kapag agency nila ang nag-process ay bigyan ng special consideration kahit lampas na ng office hour at huwag harangin ang pasahero niya saanmang airport.

Iimbestigahan din kung ‘yang libo-libong tsekwa na pinapasok ng Empire sa pamamagitan ng VUA ay kompletong nakabalik na sa Tsina!

I’m sure magiging very interesting muli ang topic sa senado kapag nakalkal ‘yan!

BTW, bakit nakaligtaan yata na ipa-subpoena sa senado ang mag-BFF na noturyus fixer sa Immigration na sina Betty Chuwawa at Anna Sey?

Hindi pa ba umabot sa mga senador ang ginawa nilang pamemeke ng mga dokumento ng libo-libong Chinese nationals sa Alien Social Integration Act of 1995 at mga pekeng recognitions na pinirmahan ng bff nilang si RPL?

It’s another agenda for you to scrutinize, Mr. and Madame Senators!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *