Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Malungkot ba sa buhay niya o nambu-bully si Atty. Topacio?!

ITINATANONG po natin ito dahil hindi po ako makapaniwala na ang isang abogadong tinatagurian ang kanyang sarili na ‘celebrity lawyer’ ay aasal na gaya sa isang ‘kanto boy.’

Kaya sa decorum pa lang, laglag na itong si Atty. Topacio.

Nitong nakaraang Biyernes, matapos ang aming hearing sa Pasay City, ipinakita sa amin ni Atty. Ferdinand Topacio kung anong klaseng tao siya.

Kung tutuusin, kami ang aggrieved party dito at mukhang siya pa nga ang nakalalamang kaya kakatwa ang naging kilos niya nitong nakaraang Biyernes.

Sa loob mismo ng court, ganito ang sinabi ni Atty. Topacio: “Magse-settle kami mamaya.”

Afte hearing, nakaupo kami ni Atty. Berteni Causing nang bigla kaming lapitan ni Atty. Topacio.

Saka buong angas na sinabing, “Anong settle? Doon tayo, one on one!”

Inakala nating nagbibiro si Topacio pero nang tingnan ko ang mukha niya, seryoso.

Kaya sinagot na lang siya ni Atty. Toto ng: “Hindi ako lalaban attorney, ang laki-laki ng bodyguard ninyo e.”

Pero mukhang desperado si Attorney Topacio, kaya ako naman ang binalinagn, “Tayo na lang, Jerry.”

Magalang naman naming tinanggihan si Atty. Topacio. Ang sabi ko’y, “Hindi ako pumapatol sa matatanda, Attorney.”

Pero matindi ang sagot ni Atty. Topacio, parang nagbabanta: “ Hindi n’yo ako kilala!”

Ang paghahamong iyon ni Atty. Topacio ay nasaksihan ng fiscal at ng mga empleyado ng korte.

Baka sabihin ninyong OA or overacting ang inyong lingkod kapag sinabi kong nabigla talaga ako sa inasal ni Attorney Topacio.

Sa tinagal-tagal kasi ng panahong dumadalo tayo sa mga court hearing na pawang kaso ng libel, hindi natin nakitaan ng ganyang asal ang mga abogado ng mga katunggali namin sa korte.

Tanging itong si Attorney Topacio ang nakitaan natin ng ganoong asal.

Mantakin ninyo, panalo na nga ‘e, tiradang pikon pa?!

Hindi tuloy natin maintindihan kung malungkot ba ang buhay ni Attorney Topacio at naghahanap siya ng karamay?!

Kung hindi naman malungkot si Atty. Topacio, nambu-bully kaya siya?! Binu-bully ba niya kami ni Atty. Causing?!

By the way, hindi ba’t legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Attorney Topacio?!

E bakit ganoon na lang kung makapam-bully?!

Tsk tsk tsk…

Hindi tayo magtataka kung isang araw, ‘e may biglang pumatol sa ‘hamon challenge’ ni Atty. Topacio…

Kaya ingat din sa mayabang na paghahamon o pambu-bully attorney.

Ikaw rin, sa ating dalawa, sino ba ang mababawian ng lisensiya, kung sakali?!

The answer is very clear.

SINO SI LORD
VELASCO?

MARAMI ang nagtatanong kung sino ba si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, ang naghahangad na maging Speaker ng House of Representatives kapalit ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Lord ang pinagbibintangang pasimuno ng coup d’etat kamakailan para matanggal si Cayetano na kanyang papalitan.

Labag ito sa term-sharing agreement na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Klaro na sa katapusan pa ng Oktubre uupo si Lord bilang Speaker.

Kompara kay Cayetano na hindi lang naging dating congressman kundi naging senador at foreign affairs secretary din, si Lord ay manipis ang track record.  Kaya naman marami ang nagtaka kung bakit ba nag-aambisyon siyang maging Speaker, na siyang pinakaapat na mataas na puwesto sa bansa.

Hindi garboso ang karera ni Lord. Kaya walang gaanong alam ang publiko tungkol sa kanya. Sa ganang akin, medyo naku-curious lang ako sa kanya dahil tila laging ‘nakakabit’ ang pangalan niya kay Speaker Alan.

Maliban sa mga lumalabas na mga balita tungkol sa magagarbong party na ini-sponsor niya kapag birthday ni Pangulong Duterte o ‘di kaya ng ninong niya sa kasal na si Ramon Ang ng San Miguel Corp.

Sa aming pagkakaalam, si Lord ay pumasok bilang miyembro ng staff ng kanyang ama, si Associate Justice Presbitero Velasco sa Supreme Court. Naging provincial administrator din si Lord sa Marinduque at naging chapter president ng Integrated Bar of the Philippines sa lalawigan.

Muntik ng hindi makaupo si Lord bilang congressman ng Marinduque noong 2013 nang matalo siya kay Regina Ongsiako-Reyes. Pero nakalusot si Lord dahil pinalabas niyang American citizen si Ongsiako-Reyes kaya na-disqualify. ‘Yun lang, sa huling linggo na lang ng 16th Congress nakaupo si Lord.

Nang sumunod na Kongreso, naging chairman ng House energy committee si Lord, at gayondin ng Oversight Committee of Solid Waste Management Act at Co-Chairman of Joint Congressional Power Commission.

Mas makulay ang track record ng kanyang amang si Justice Velasco na ngayon ay gobernador ng Marinduque. Nang siya ay isang justice sa Supreme Court, diumano’y nakialam siya sa kampanya ni Lord sa pagka-congressman ng Marinduque, ayon na rin sa librong “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court”  na isinulat ng veteran journalist na si Marites Dañguilan-Vitug.

Nademanda si Vitug ng libel dahil dito. Naging tanyag tuloy si Justice Velasco bilang kauna-unahang nakaupong mahistrado ng Korte Suprema na nagdemanda ng libel laban sa isang mamamahayag.

Nang isinalang ang papel ni Justice Velasco para maging associate justice ng Korte Suprema, kabi-kabilang reklamo ang natanggap ng Judicial and Bar Council (JBC) laban sa kanya. Andiyan ang reklamong mahilig siyang mag-follow up ng mga kaso kahit na court administrator na siya. May reklamo rin na mahilig siya sa magagarbo at magastos na handaan, na tila namana ni Lord sa kanya. Ang sponsor pa nga raw ng mga party ni Justice Velasco ay malalaking kompanya na pag-aari ng mga taipan na tulad ni Lucio Tan.

Na-link din si Justice Velasco sa drugs. Ayon sa libro ni Vitug, nilakad daw ni Justice na mapawalang-sala ang convicted drug lord na si German Agojo nang makarating ang kaso sa Supreme Court. Bumigay lang si Justice Velasco at sumama sa pasya ng mayorya nang makita niyang nag-iisa lang siya sa pagkampi kay Agojo.

Si Justice Velasco rin ang pinagsus­petsahang nag-leak ng mga nangyayari sa loob ng Supreme Court sa kaso ni Agojo kaya naman nakatanggap ng death threats ang ilang justices tulad ni Arturo Brion.

Hindi ito biro dahil ang judge na humatol na makulong si Agojo, si Batangas Regional Trial Court Judge Voltaire Rosales, ay pinatay.

Pero wala pa riyan sa eskandalong kinasangkutan ni Justice Velasco nang siya ay isang justice undersecretary. Alam n’yo bang pumirma siya sa isang kasunduan noong 1997 para pautangin ng Orient Bank sa halagang P20 million ang RJL Resources na ang kapital lang ay P250,000? Ang naging collateral ng RJL ay dalawang lupa sa Bulacan na nabuking na peke dahil sakop ng agrarian reform program ng gobyerno.

Bukod pa rito, namemeligro na ang lagay  ng Orient Bank ng panahon na yon pero napautang pa rin nito ang RJL na kinatawan ni Velasco at siyang pumirma sa kasunduan dahil dating kliyente pala ni Velasco ang may-ari ng banko na si Jose Go.

Ang abogado ng RJL ay dating kasama ni Velasco sa kanyang law office.

Isa pa, paano nakapirma si Velasco sa kasunduan na may P20 million pautang gayong justice undersecretary pa lang siya sa mga panahon na iyon at sumusuweldo lang nang hindi hihigit sa P90,000 kada buwan?

Eto palang si Justice Velasco ay sumasali pa rin sa mga deliberasyon ng Korte Suprema kahit sangkot ang kaibigan niyang si Go. Tumigil lang siya nang ibuking siya  ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagsumite ng mga papeles sa Korte patungkol sa kaugnayan niya kay Go at sa RJL Resources.

Kaya naman nang umabot sa Korte Suprema ang kaso ng Evercrest Golf Club Resort na pag-aari ni Go, doon lang tumigil si Justice Velasco sa pagsawsaw sa mga kasong kinasasangkutan ni Go.

Kung ganito namang klaseng pamilya ang pinagmulan ni Lord, paano pa siya magiging isang epektibo at patas na Speaker? Sa ama pa lang niya, ang dami na nilang multo na dapat itago.

Ang tanong: paano kung dumating ang araw na kailangan talakayin ng Kamara ang mga kinasangkutan ni Justice Velasco?

Ano sa palagay ninyo, mga kabulabog?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *