Thursday , November 21 2024

Si Kim Chiu at ang peace and order sa panahon ni PNP Chief Archie Gamboa

KUNG sensitibo sa usapin ng peace & order ang Philippine National Police (PNP), ang tangkang ambush on a broad daylight sa isang bisinidad na itinuturing na middle class community, ay isang nakaaalarmang sitwasyon — si Kim Chiu man o hindi ang sakay ng Hyundai H350.

Kung gabi nangyari ang ambush, sasabihin nating pinili ng mga suspek na roon isagawa ang krimen dahil madilim sa nasabing lugar bukod pa sa maraming puwedeng lusutan para makalayo agad sa crime scene.

‘Yung dilim rin na ‘yan, ang isa sa dahilan kung bakit madalas na may nakokotongang motorista riyan sa area na ‘yan — sa sobrang dilim kasi hindi nila nakikita ang medyo nagtatagong traffic enforcer —  na bigla silang paparahin at hahanapan ng violation.

Pero hindi nga gabi kundi 6:15 ng umaga nang mangyari ang ambush kay Kim Chiu, sa bisinidad at sa kalsadang dinaraanan ng mga pumupunta sa Ateneo de Manila University, Miriam College, at University of the Philippines. Nariyan din sa  area na ‘yan ang Loyola Heights Subdivision, ang La Vista Subdivision, mga retreat house ng iba’t ibang kongregasyon at mga establisiyementong dinarayo ng sabi nga ay mga kilalang tao.

Sa kasalukuyan — na talamak ang hired killers — sabi nga nila tatlo-singko lang ang hired killers ngayon — ang personahe, lugar, o oras ay nagiging sekundaryong salik lamang.

Ang isyu ba ay target talaga si Kim Chiu o mistaken identity lang?!

Wrong.

Ang isyu, bakit ganoon katalamak ang pamamayagpag ng hired killers o ng mga riding in tandem sa panahon na mayroong malaking pondo ang PNP sa pagpapatupad ng mga programang titiyak sa maayos na pagpapatupad ng peace and order?

Kapag natuklasan ba o napatunayan na si Kim Chiu ang target ng mga hired killer, matitigil na ba ang pamamaslang ng mga riding in tandem?!

Alam nating lahat na hindi. At alam nating lahat na magpapatuloy ang pamamaslang kung hindi malulutas ang malalang suliranin sa peace and order.

Kaya ang tunay na isyu rito hindi ‘yung bakit may nagtatangka sa buhay ni Kim Chiu, kundi bakit pambihira ang lakas ng loob ng hired killers.

Sa totoo lang, mismong si Kim Chiu ay medyo kampante noong malaman niya na hindi naman siya tinamaan ng bala.

Pero noong may magsabi na “kumusta naman siya” saka lang nag-sink-in sa aktres na muntik na pala siyang mamatay sa isang pagtatangka sa kanyang buhay na ni hindi niya alam kung ano ang dahilan.

Hindi ba’t nakagigimbal na ang isang aktres na gaya ni Kim Chiu ay magkaroon ng karanasang gaya ng pinakahuling nangyari sa kanya?

Noong magbaba ng one-strike policy ang PNP laban sa mga ilegal na sugal, ang naisip natin, bakit hindi sa mga hired killers nagbaba ng ganoong klase ng patakaran ang hepe ng pulisya?!

At ang mga CCTV camera na kung hindi tayo nagkakamali ay ginagastusan nang malaking pondo ng bawat barangay o ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nawawalan ng silbi lalo kung hindi naka­tutulong sa paglutas ng kaso ng pamamaslang, pagnanakaw at iba pang krimen na kina­kailangan ng identipikasyon ng mga suspek.

Kung ang peace and order ay laging nasa balag ng alanganin at lahat ng mamamayan ay laging nangangamba sa kanilang kaligtasan — tayo ba’y may maaasahan pa sa Philippine National Police (PNP)?

Again, what’s happening to our country, our dear generals?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *