Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pari sinuntok ng varsity cager ng Adamson’s Falcons

HAWAK ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang varsity player ng Adamson Uni­versity matapos itulak at suntukin ang isang pari sa loob ng gym ng esku­welahan sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang varsity cager na si Papi Sarr, 28, Cameron national, nanu­nuluyan sa Falcon Nest., Adamson Uni­versity sa San Marcelino St., Ermnita.

Ayon sa ulat, nag­karoon ng pagtatalo ang university athletic director na si Fr. Aldrin Suan at si Sarr, na kumukuha ng sports management sa nasabing unibersidad.

Sa salaysay ng pari, kasalukuyan siyang nanonood ng tune-up ng laban ng AU at Perpetual University team nang dumating si Sarr.

Dito umano iniabot ni Fr. Sarr ang kanyang dismissal letter na labis na ikinagalit ni Sarr.

Nagawang suntukin sa dibdib ng cager ang pari saka kinuwelyohan sabay sabi sa harap ng mara­­ming tao ang kata­gang “who are you to do this to me.”

Si Sarr ang tumatayong import ng Adamson University.

Dito dumating ang kapatid ng dayuhan na si Abdul Asis Sarr, na sinigawan din ang pari.

Hanggang inawat ng ibang player ang magka­patid, saka nagsidatingan ang iba pang naka­tala­gang security guard na tumawag ng responde sa MPD Ermita Police Station (PS5), saka ipina­sa sa MPD-GAIS. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …