Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Natumbok ni Senator Richard Gordon… Paglabag ng homeowners association officials huling-huli sa camera

TUMBOK na tumbok ni Senator Richard Gordon ang matagal nang hinaing ng homeowners sa Multinational Village sa Parañaque City.

Ilang beses na po nating tinalakay sa ating kolum ang mga isyung illegal structure, illegal constructions, at paglabag sa R1 Zoning.

R1 Zoning is one of the most commonly found zoning types in residential neighborhoods. Sinasabi rito ang single-family homes to be built, with one unit intended per lot.

Pero sa pagdagsa ng mga Chinese national sa kanilang Village, hindi na nasunod ang patakarang ito.

Makikita sa isang structure, 40 hanggang 200 katao ang naninirahan.

“We don’t feel it’s peaceful at all… We don’t know our neighbors anymore,” pahayag ng mga residente sa Multinational Village.

Pero nagtataka ang mga taga-Multinational Village kung bakit mismong mga opisyal ng kanilang homeowners association ang sumalaula sa patakarang ito.

Ang dating tahimik na village ay biglang binulabog ng katakot-takot na konstruksiyon ng mga tenement-type building na pinatitirahan ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa kanilang mga empleyado na pawang Chinese national.

Madalas na pahayag ng mga taga-Multinational Village mula nang makapasok sa kanilang Village ang nasabing mga dayuhan, nawalan na sila ng katahimikan.

Kitang-kita sa video na ipinalabas ni Senator Gordon ang mga coaster na 24/7 nagyayaot mula sa iba’t ibang tanggapan ng POGOs pauwi sa Multinational Village ang mga Chinese national na kanilang empleyado.          

Ang higit na ipinagtataka ng mga residente, paano nakonsensiyang manipulahin ng homeowners association ang umiiral na patakaran para papasukin ang POGO employees na pawang mga dayuhan.

Magkanong ‘este’ anong dahilan?!

Matagal nang gustong mag-reelection ng mga homeowners pero as usual manipulado ng mga opisyal na may malaking interes sa POGO ang proseso.

Bakit ba simula nang pumasok ‘yang mga lintik na POGOs na ‘yan ay marami nang nagulo sa ating bansa?!

Parang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay laging nasasangkot sa operasyon ng POGOs?!

At ang POGOs imbes makatulong sa ekonomiya ng bansa ay nagiging number one cause ng iba’t ibang krimen sa Metro Manila gaya ng prostitution, abduction and kidnapping, money laundering at iba pa.

Kaway-kaway, galaw-galaw naman ang mga ahensiya ng pamahalaan para matuldukan na ang sandamakmak na ‘prehuwisyong’ dulot ng POGO.

Ibalik ang tahimik, disente at payapang Multinational Village!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *