Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista

Heart, nagpasilip ng boobs

MAY lihim bang pangarap si Heart Evangelista na maging sexy star din na gaya nina Lovi Poe, Maja Salvador, at Christine Reyes?

Parang. Mukhang may lihim siyang pagnanasang maging sexy star sa edad n’ya ngayon.

Nag-post siya sa Instagram n’ya ilang araw lang ang nakararaan ng litratong hubad siya at mistulang ipinasilip ang tagiliran ng isa sa boobs n’ya.

Actually, ang itaas na bahagi lang ng katawan n’ya ang nasa larawan. Nakatalikod siya sa kamera, yakap ang sarili, pero umanggulo siya na makikita nang kaunti ang isa sa boobs n’ya.

Simpleng caption n’ya sa litrato: “Treasure yourself every single day.”

‘Di kaya mismong ang mister n’yang dating senador at ngayo’y governor ng Sorsogon na si Chiz Escudero ang kumuha ng litrato?

May followers siya sa Instagram na nag-comment kung ano ang reaksiyon ng mister n’ya sa litrato n’yang ‘yon. Sagot ni Heart:  ”He told me to post it (heart emoji) he said I should be proud (heart emoji).”

Ang daring photo ng Kapuso star ay nakatanggap na rin ng mga positibong reaksiyon mula sa mga kapwa artista n’ya na sina Alex Gonzaga, Maja Salvador, Iza Calzado, at Jessy Mendiola.

Noong Sabado ng tanghali, sa isang maliit na press conference para kay Lovi Poe sa The Frazzled Cook restaurant sa Quezon City, tinanong namin siya kung ano ang reaksyon n’ya sa Instagram post na ‘yon ni Heart na nakita na pala n’ya. Tuwang-tuwa siya, gustong-gusto n’ya.

Of course, si Lovi man ay napakahilig mag-post ng mga ganoong klaseng litrato n’ya. Pero anak siya ng yumaong Da King FPJ. ‘Di siya misis ng dating senador at ngayon ay governor. At saka sexy star naman talaga siya.

Kayo, anong masasabi n’yo?

Maaari n’yong silipin ang sexy pic ni Heart sa @iamheart sa Instagram. Habang isinusulat namin ito, lagpas na sa 300,000 likes ang natanggap ng litrato.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …