Wednesday , December 25 2024

‘Tsismisan’ sa kongreso tigilan — solon

NANAWAGAN si Kabayan party-list congressman Ron Salo sa tinagurian niyang ‘terrible three’ sa House of Representatives (HOR) na tigilan ang mga intriga at pahayag na wala namang buting ibinubunga kundi sirain ang imahen ng Kongreso at mahati ang atensiyon ng mga mambabatas sa mahahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin.
 
Unang pinuna ni Salo si BUHAY party-list Congressman Lito Atienza, na nagsabing ang napabalitang coup ni Marinduque Congressman Lord Allan Jay Velasco laban kay Speaker Alan Peter Cayetano ay gawa-gawa lamang.
 
“Marahil ay nainip na si Atienza dahil wala naman siyang ginagawa sa Kongreso kundi sabihin lagi na wala daw quorum sa plenaryo kaya naman kung ano-ano na ang pumasok sa imahinasyon niya,” sabi ni Salo.
 
Dagdag ni Salo: “Paano masasabi ni ‘Mr. No Quorum’ na gawa-gawa lang ni Speaker ang kuwentong coup attempt ni Velasco gayong may 20 congressman ang nagpatunay na may ganito ngang maitim na balak ang kampo nila?”
 
Pinayohan ni Salo si Atienza na pagtuunan na lang ng pansin ang trabaho sa Kongreso imbes magpalabas ng mga walang katuturang pahayag laban sa liderato ng Kamara.
 
Isa pang binanatan ni Salo ay si Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list congressman Jericho Nograles na nagsabing hindi raw kapani-paniwala ang planong pagpapatalsik kay Cayetano dahil ilang buwan na lang ang hinihintay ni Velasco para maupo bilang Speaker.
 
Binigyang-diin ni Salo, totoong may planong coup laban kay Cayetano at may ilan rin siyang nakausap sa nagsabing mga proyekto gaya ng pambansang badyet at maging pagiging chairperson ng House committees ang inaalok ng kampo ni Velasco para sumanib sa panig nito.
 
“May sinasabi si Nograles na kailangan daw makita ng publikong nakatutok ang Kamara sa pagpasa ng mga batas at hindi sa pamom0litika. Matagal nang nakatuon ang pansin ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Alan sa napakaraming trabaho sa Kongreso. Sila itong walang ginagawa kundi sirain ang pagkakaisa ng mga mambabatas sa pagsasagawa ng maitim nilang mga balak,” ayon kay Salao.
 
“Pati ang pambansang badyet na binabantayan ni Speaker Alan para maipasa agad ay kinaka¬sangkapan nila para sa plano nilang pagsunggab sa puwesto,” dagdag ni Salo.
 
Nakatawag pansin din kay Salo ang mga pahayag ni dating Negros Occidental Congressman Alfredo Benitez na nagsabing ang Visayas bloc sa Kamara ay susunod sa term-sharing agreement sa pagitan ni Velasco at Cayetano.
 
Sa ilalim ng kasunduang ito, unang uupo si Cayetano bilang Speaker sa loob ng 15 buwan, at susunod si Velasco sa loob ng 21 buwan na magsisimula sa bandang Oktubre ng taong ito.
 
“Sana ‘wag nang makisawsaw si Benitez dito dahil nakagugulo lang imbes makatulong ang mga kaduda-dudang sinasabi niya. Kung susunod daw sila sa term-sharing, bakit umugong ang planong patatalsikin si Speaker at pangalan pa niya ang lumutang na sangkot sa coup?
 
“Sa tingin ko, kinakabahan na sina Velasco at Benitez dahil baka hindi suportahan si Velasco ng mga kongresista dahil kitang-kita na maganda ang performance ng Kamara sa ilalim ni Speaker Alan at aprub lahat sa maayos niyang pamamalakad,” dagdag ni Salo.
 
Unang napabalita na si Benitez ang isa sa mga kumakausap sa mga kongresista para mangalap ng suporta sa plano ni Velasco na patalsikin si Cayetano bilang Speaker.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *