Saturday , November 16 2024

COVID-19 gamit na alibi? Dito ‘nganga’ sa rollout plan

 
MULING maaantala ang pagsisimula ng operasyon ng third telco Dito Telecommunity Corporation.
 
Sa anunsiyo ni Dito chief administrative officer Adel Tamano, sa Hulyo 2021 pa sila magiging handa para mag-operate at magkaloob ng serbisyo sa mga subscriber, taliwas sa naunang pangako ng kompanya na Marso 2021.
 
Ginawa ni Tamano ang pahayag makaraang inspeksiyonin ng mga opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tower ng Dito sa Quezon City kamakailan.
 
Sinabi ng Dito na maaantala ang kanilang rollout dahil sa coronavirus 2019 o COVID-19 outbreak.
 
Ayon kay DITO chief technology officer Rodolfo Santiago, kinukuha ng kompanya ang ilan sa steel at fiber cable requirements nito sa Hubei, China, kung saan nagmula ang viral disease.
 
“‘Yun kasing naapektohan ‘yung Hubei province and that is one of the manufacturing hubs of China. ‘Yung impact sa rollout namin is ‘yung steel or tower components and fiber cable,” sabi ni Santiago.
 
Ang Dito, isang joint venture sa pagitan ng Udenna Corp. ni Davao-based businessman Dennis Uy at ng China Telecoms, ay unang nangakong sisimulan ang kanilang operasyon sa Hulyo ng kasalukuyang taon.
 
Ngunit inamin ng Dito na hindi niya kakayaning mag-umpisa ng serbisyo sa darating na Hulyo kaya kanilang iniurong ang tinawag na commercial rollout sa Marso 2021.
 
Taliwas sa pangako ng administrasyong Duterte na maganda, mabilis at murang serbisyo ng 3rd telco ngayong Hulyo 2020 ay sinabi ng Dito sa isang press conference kamakailan na nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity na sa Marso 2021 pa talaga ang kanilang pag-uumpisa ng serbisyo sa publiko.
 
Ang sinasabi umano ng DICT na Hulyo 2020 na commercial rollout ay sadyang inilaan lamang sa tinatawag na ‘technical launch’ at hindi pa ang pormal na pagbukas ng telco services sa public subscribers.
 
“March 2021 is really the mandated date by the NTC [National Telecommunications Commission,” sabi ni Tamano.
 
Sa panahon ng tinatawag na technical launch, sinabi ni Tamano na bubusisiin ng NTC ang pagsunod nito sa kanilang pangako na seserbisyohan ang 37% ng populasyon ng bansa na may 27 megabits per second (mbps).
 
Nangangahulugan ito na susuriin ng gobyerno kung handa na ang network ng Dito na mayroong 1,600 towers pagsapit ng Hulyo ngayong taon.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *