Saturday , November 16 2024

Kapag sumablay… Dito 3rd telco franchise babawiin (P25.7-B performance bond kokompiskahin)

NAKAHANDA ang pamahalaan na bawiin ang prankisa na ipinagkaloob sa third telco DITO Telecommunity Corp., kapag nabigo sa ipinangakong rollout sa 2021, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio ‘Gringo’ Honasan II.

Ang pahayag ay gina­wa ni Honasan matapos inspeksiyonin ang tower ng DITO sa Quezon City noong Miyerkoles.

“‘Pag ‘di nila nagawa ito, ‘yung Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) nila at radio frequencies baba­wiin ng gobyerno,” pahayag ni Honasan sa mga reporter nang inspeksiyonin ang tower ng DITO sa Quezon City noong Miyerkoles.

“Karapatan at tung­ku­lin ng gobyerno na ‘pag ‘di sila tumupad sa kon­disyon ng akreditasyon, babawiin sa kanila ‘yun,” paliwanag ng DICT chief.

Bukod sa pagkansela sa kanilang CPCN at frequencies, kokom­piskahin din, aniya, ng pamahalaan ang performance bond ng DITO na P25.7 bilyon kapag sumablay sa kanilang ipinangako.

Dagdag ni Honasan, may penalty din na P10.7 bilyon sa ikalawang taon, P8 bilyon sa ikatlong taon, P5.3 bilyon sa ikaapat at P2.7 bilyon sa ikalimang taon.

Bubusisiin ng gobyer­no sa Hulyo kung naitayo na ng DITO ang 1,600 telecommunications towers at kung kaya ng telco na i-cover ang 37% ng populasyon na may 27 megabits per second speed.

“Ang pamahalaan sisiguruhin na idi-deliver ng DITO ang ipina­ngakong 55-mbps internet speed at 80% coverage of population within the five-year period,” ani Hona­san.

Tiniyak ni DITO chief administrative officer Adel Tamano na magi­ging handa na ang network ng telco sa Hulyo ng kasalukuyang taon.

Tinanggap ng DITO Telecommunity ang kanilang certificate of public convenience and necessity mula sa National Tele­communi­cations Commission (NTC) noong Hulyo 2019 upang mag-operate bilang third major telco ng bansa.

Ang DITO, dating Mislatel Consortium, ay binubuo ng Udenna Corp., ni Davao-based business­man Dennis Uy, ng sub­sidiary nitong Chelsea Logistics Holdings Inc., China Tele­communi­cations Corp., at ng Mindanao Islamic Tele­phone.

Target ng DITO na simulan ang kanilang commercial operation sa Marso 2021.

Samantala, kinom­pirma ng Chelsea Logis­tics and Infrastructure Holdings Corporation na pinamumunuan ni Uy na humingi ng government guarantee para sa P700-milyong loan makaraang tanggihan ng isang pribadong banko ang kanilang inuutang.

Sa disclosure sa local bourse, sinabi ng Chelsea na humingi sila ng guarantee sa Philippine Guarantee Corporation (PGC) para makautang sa isa sa main banks sa bansa upang ipambili ng barko.

“Chelsea Logistics would like to state that it is working with PGC because the group may reach the single borrowers’ limit with one of its financing bank, one of the main banks in the country which supports the shipping industry,” nakasaad sa disclosure.

“Thus, the group requires a guarantee to be provided by PGC in order to secure said loan obligation,” pahayag ng kompanya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *