Wednesday , December 4 2024

Isyung privatization ng NAIA maingay, MIAA employees tutol

TAHIMIK…

Tila ‘punebreng papailanlang’ ang ‘katahimikan’ bilang simbolo ng protestang ilulunsad ng mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) tuwing lunch breaks laban sa planong privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ko sa anyo ng protestang ito. Tahimik na parang magluluksa? Paano kaya ito gagawin ng mga empleyado?!

Walang tigil ang kaba ng mga empleyado lalo na kapag naririnig nila ang mga interesadong kompanya ng mga tycoon at oligarkiya na sunggaban ang privatization ng NAIA gaya ng Ayala Corp., Aboitiz Equity Ventures, Alliance Global Group Inc., ng tycoon na si Andrew Tan, Asia Emerging Dragon ng Lucio Tan group, Filinvest Development Corp. ng Gotianun family, JG Summit Holdings Inc. ng Gokongweis, at Metro Pacific Investments Corp.

Magiging technical partner umano ng nasabing plano ang Changi Airports International ng Singapore.

Ayon  kay Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) President Roy Quismoro, tinatayang 1,500 regular workers ng airport ang maaapek­tohan ng nasabing privatization, kapag natuloy ito.

Madalas umanong pinalulutang ng ilang pro-privatization groups ang balitang nalulugi ang NAIA. Pero labis nilang ipinagtataka ang bali-balitang pagkalugi dahil sa totoo lang, ang NAIA ay laging kabilang sa Top 10 government owned and controlled corporations (GOCC) na nakapag-aambag nang malaki sa National Treasury.

Bakit ngayon ay sinasabing nalulugi?! Ano at sino ang nasa likod ng mga ganitong pagpapakalat ng ‘fake news?’

Ayon kay Mr. Quismoro, masakit para sa kanila kung sila ay pababayaan ni MIAA General Manager Ed Monreal sa matunog na isyu ng privatization.

Walang anomang tugon hinggil sa privatization si GM Monreal, maliban sa pahayag na, “karapatan ng mga empleyado na magprotesta basta titiyakin lang nila na hindi maapektohan o mapeprehuwisyo ang operations ng NAIA.”

‘Nakawiwindang’ ang mga pagbabagong inihahatid ng buil, build, build.

Akala natin noong una, lilikha ito ng maraming trabaho sa mga Filipino pero lumalabas pala, maraming mga kababayan natin ang mawawalan ng trabaho.

Ano ba talaga ang nangyayari?!

Paano ba ito ipapaliwanag ng Duterte administration?!

Si Pangulong Digong ba’y  para talaga sa mga kababayan nating mahihirap? O sa interes ng mga tycoon at oligarch na sumuporta sa kanya?!

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *