Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

China kumasa na vs POGO workers, PH gov’t kailan aaksiyon?!

MISMONG si President Xi Jinping ng China ang umaksiyon para tuluyan nang mahinto ang talamak na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na kinasasangkutan ng Chinese operators at ganoon din ng Chinese workers.

Ipinakansela na ni President Xi Jinping ang pasaporte ng Chinese citizens na operator at nagtatrabaho sa mga POGO dito sa bansa.

Marami umanong Chinese national na nagtatrabaho sa POGO ang nagulat nang malaman nilang kinansela ang kanilang mga pasaporte ng kanilang pamahalaan.

Ipinaalam ng China Public Security Bureau sa kanilang mga mamamayan na kailangan nilang magbalik sa kanilang bansa upang patunayan na hindi sila nagtatrabaho sa POGO.

Kung hindi babalik ang mga Chinese POGO workers ilalagay umano ang mga pangalan nila sa blacklist sa pagkuha ng pasaporte.

Dahil umano sa utos na ‘yan ni President Xi, maraming Chinese traders sa Maynila ang naapektohan.

Magugunitang noong bilateral meeting sa Beijing noong Agosto 2019, hiniling ni Xi kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang POGO na ang pangunahing kliyente ay mga Chinese na nasa mainland China.

Sa totoo lang, bawal talaga sa mainland China ang sugal kaya nga tanging sa Macau lamang mayroong mga casino.

Kung mayroon mang mga Chinese na nagsusugal sa Macau ay maingat na maingat sila dahil maiimbestigahan sila ng kanilang gobyerno na nasa ilalim ng sosyalistang kaayusan.

Ang prinsipyong ipinaiiral ng pamahalaang Tsino kung bakit ayaw nila ng POGO ay dahil nagagamit ito sa money laundering na para sa kanila’y pahihinain ang kanilang financial supervision and security, ganoon din ang moralidad ng kanilang mga mamamayan lalo ang mga kabataan.

Sa kasalukuyan kasi, dahil sa POGO, maraming Chinese citizens ang nahuhumaling sa pagsusugal kaya tumataas din ang bilang ng iba’t ibang uri ng krimen at panlipunang suliranin sa China.

Marami umanong Chinese citizens ang ilegal na nagtatrabaho sa POGO pero para silang mga makabagong alipin dahil kinokompiska ang kanilang passport.

Ang iba’y nagiging biktima umano ng torture, kidnapping at murder.

Kung hindi tayo nagkakamali, ganito rin ang hiniling ng China sa Cambodia na mabilis namang umaksiyon sa kahilingan ni President Xi.

Kaya siguro nagtataka si President Xi kung bakit sa Filipinas ay patuloy ang pamamayagpag ng POGO na nag-anak ng prostitusyon, kidnapping, at iba pang suliranin o krimen na naaapektohan maging ang ating bansa at ang pulisya.

Kung kaayusang panlipunan ang pagtutu­unan ng pansin ng ating pamahalaan, malaking bagay ang aksiyon na ginawa ni President Xi.

Pero dapat ay matiyak ng administrasyong Duterte at ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na ang Filipinas ay hindi dapat maging pugad ng mga Chinese national na hindi uuwi sa China at magtatago o mag-o-overstaying sa Filipinas.

Huwag nating kalimutan na maraming paraan ang mga namamayagpag na ‘human trafficker’ kasabwat ang ‘travel agencies’ na nagkakanlong ng illegal aliens.

Sana’y tiyakin ng gobyernong Filipino na ang ginawang kanselasyon ng China sa pasaporte ng kanilang mga mamamayan na ‘nawiwili’ sa POGO ay makabuti at hindi pagpiyestahan ng mga ilegalista.

Let’s keep our fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *