KAMAKAILAN opisyal nang nagretiro si National Bureau of Investigation (NBI) Director, Dante Gierran.
Masyadong low profile ag panunungkulan ni Director Gierran sa NBI pero sa kabila niyan hindi mabilang ang mga isinulong niyang pagbabago at mahuhusay na accomplishments sa loob ng Bureau.
Sa panahon din ni Director Gierran, maraming kontrobersiyal na kaso ang masasabing na-handle niya nang wasto.
Kung tahimik ang pagreretiro ni Director Gierran, hanggang ngayon naman ay wala pa rin naririnig ang rank and file kung sino ang papalit sa kanya.
Sabi nga ng mga organic na taga-NBI, wala silang problema kung sino man ang hirangin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit sino kaya nilang pakisamahan lalo na kung ‘professional’ sa lahat ng aspekto.
Pero siyempre, mas gugustohin ng mga rank and file sa NBI kung ang papalit kay Director Gierran ay galing din sa kanilang hanay at hindi ‘outsider.’
Sa kasalukuyan ay itinalagang OIC si Assistant Director for Intelligence Service Eric Bitoon Distor.
For the meantime, siya ang hepe (OIC) ng NBI.
Pero marami ang natutuwa sa appointment ni OIC Distor kasi nga “he rose from the ranks.”
Dahil ‘yun nga ang ultimong wish ng mga taga-NBI — organic at rose from the ranks.
Wish lang ng mga taga-NBI na sana ay si OIC Distor na nga.
For the meantime, congratulations OIC Distor!
NALETSENG ‘PASTILLAS’
SCHEME MAY BAGONG
WHISTLEBLOWER
Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado, sa ilalim ng komite ni Senator Risa Hontiveros na Committee on Women, Children, and Family Relations, may isang malaking ‘bomba’ pa umanong pasasabugin ang senadora.
‘Yan ay sa pamamagitan ng isa pang ‘whistleblower.’
Sino kaya ang lulutang na bagong whistleblower? Gaano kalalim ang alam niya sa ‘Pastillas’ scheme? Mapangalanan kaya niya ang ‘travel agents’ na kasabwat ng mga taga-Bureau of Immigration (BI)?
May kredibelidad naman kaya ang ihaharap na bagong whistleblower?
‘Yan po ang aabangan natin ngayon sa Senado.
Dyarannn!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap