Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Wala sa ASAP! Sarah at Matteo nag-honeymoon sa isang sikat na Wellness Center sa Batangas City

UNDERSTANDABLE naman kung lumiban ng isa o hanggang one month episode sa ASAP Natin ‘To si Sarah Geronimo na ikinasal sa isang Christian ceremony sa ilalim ng Victory Christian Fellowship last February 20 sa Shangri-la The Fort na dinaluhan ng buong pamilya at mga kaibigan ng groom na si Matteo. At kahit nga sumugod pa roon ang Mommy ni Sarah na si Madam Divine ay walang nagawa at natuloy ang kasal.

Last Sunday ay marami ang nag-abang sa ASAP kay Sarah na baka mapanood nila ang Pop Star Princess pero bigo ang lahat dahil kasalukuyang nasa isang sikat na wellness center sa Batangas City ang newly weds at doon sila nagha-honeymoon ngayon.

Pero ang tanong, hindi na kaya guguluhin pa ni Mommy Divine sina Sarah at Matteo? Hindi kaya mananahimik lang muna pero may ibang binabalak? Well sana ay tantanan na nila ng mister niyang si Mang Delfin si Sarah lalo’t kahit may asawa na ang kanilang daughter, ay patuloy pa rin silang magbe-benifit sa kita nito o suweldo sa ABS-CBN.

Yes ‘yung milyon-milyong suweldo raw kada buwan ni Sarah sa Kapamilya network ay deretso sa kanyang pamilya samantala ‘yung lahat ng kita o kikitain pa niya under Boss Vic del Rosario kasama na ang recording, concert, endorsement ay mapupunta na sa singer-actress at sa kanyang bank account.

At dahil mayaman rin ang hubby na si Matteo ay hindi pinagdududahan ang hunky actor na gagalawin ang pera ng kanyang wifey na si Sarah.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …