DAMANG-DAMA ang pasabog ni Madam Senator Risa Hontivirus ‘este Hontiveros sa ginawa niyang ‘pastillas’ revelation sa senate hearing.
Mula sa isyu ng POGO patungong prostitusyon involving Chinese women ay bigla itong nauwi sa “pastillas scheme” na ikinagulantang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Ewan lang natin kung noong una pa man ay aware na si Madam Senator na puro “throwback” o recycled ang mga ebidensiya na kanyang iprenesinta sa hearing?!
Ang pagkaalam natin ay 2018 pa ang mga larawan na kanyang ginamit na makikita ang mga sandamakmak na sobre na nakalagay sa drawer ng immigration officers.
Noon pa man ay ito na rin ang ebidensiya na inilabas ng isang katoto natin sa media na si Mon Tulfo at noon din ay agad inaksiyonan ni Commissioner Jaime Morente ang nasabing isyu kaya agad sinibak ang mga opisyal ng Port Operations Division (POD) noon bukod pa sa ipinataw sa kanila na kasong administratibo.
It’s a big injustice kumbaga sa ilang kasalukuyang airport officials na sila ay tamaan ng immediate revamp gayong sila rin ang naglinis ng mga kalat na kanilang dinatnan.
Long before this ‘expose’ nagkaroon na rin ng mga bagong reporma sa BI-NAIA kasama rito ang paglalagay sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) at Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa ilalim ng Office of the Commissioner ni Morente.
Dating nasa pamamahala ng POD ang nasabing units. Ginawa ito ni Morente upang siguruhin na may check and balance between the OCOM and POD.
Sa ganitong sistema ay maiiwasan din na magkaroon ng connivance ang Primary Inspectors sa counters at TCEU na tumatayong secondary inspectors.
Nakatatawa, sa totoo lang na sa dinami-rami ng mga kukuning “star witness” o ‘wishtleblower’ ni Hontiveros ay si IO Chiong-ky ‘este Chiong pa ang kanyang napili?!
Paano magiging credible witness ang kolokoy samantala kuwestiyonable ang kanyang kredibilidad?
Si Chiong-go ‘este Chiong na isa rin daw notoryus na tirador sa BI-NAIA at miyembro ng “pastillas operation” na ‘yan ay para lang batang inagawan ng kendi kaya panay ang kuda ngayon?!
In short, pera ang pinag-awayan mula sa weekly partihan ay naging monthly o mahigit pa.
Mula sa malaking partihan ay naging maliit na ang partihan nila?!
Sa tingin kaya ni Chiong ay ‘bayani’ ang magiging tingin sa kanya dahil sa ginawa niya?
Ang alam natin second generation ‘makapili’ or collaborator ang tawag sa ganyang klaseng mga nilalang.
Noong panahon ni Kristo ang tawag sa ganyan ay… HUDAS!
Natupad din ang matagal na niyang banta sa kanyang mga kasamahan sa immigration sa airport, na tatablahin at pare-pareho na silang mawawalan ng delihensiya.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap