Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Tsinoy binoga sa mukha dahil sa away trapiko

INOOBSERBAHAN sa isang ospital sa Maynila ang isang Chinese national na binaril ng isang nakaaway sa trapiko nitong Linggo ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Wenyan Shao, 43, may-asawa, negosyante  at residente sa Binondo, Maynila.

Nakatakas ang hindi pa kilalang suspek, sakay ng isang motorsiklo na kulay orange at black, walang plaka.

Nangyari ang insidente, 1:15 am nitong Linggo sa P. Burgos Drive northbound sa harap ng National Museum sa Ermita, Maynila.

Sa pahayag ng testigong si Leo Gambala, 22, valet, residente sa Quezon Boulevard, Brgy. 464 Zone 46, Sampaloc, Maynila, binabagtas niya ang P. Burgos Drive, malapit sa Planetarium at Round Table, Ermita, Maynila sakay ng kanyang motorsiklo nang mapansin na nagtatalo ang biktima at ang suspek.

Sakay ng Toyota Camry black, may plakang AAJ 8159 ang biktima habang nakamotorsiklo ang suspek.

Pagsapit sa traffic light sa National Museum sa Finance Road kanto ng P. Burgos St., Ermita, Maynila pansamantalang tumigil ang dalawa dahil sa red light.

Dito na bumunot ng baril ang suspek at saka inasinta ang biktima dahilan upang bumangga sa center island sa KKK monument.

Matapos ang insidente tumakas ang suspek  sa kahabaan ng P. Burgos Drive., patungong Quezon Blvd, Quiapo, Maynila.

Agad humingi ng tulong si Gambala sa pulisya na siyang nagdala sa biktima sa pagamutan na tinamaan ng bala sa kanang pisngi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …