Wednesday , December 4 2024

Karma kay Manay Sandra Cam digi-bilis na rin

MABILIS na talaga ang karma ngayon. Digital karma.

Gaya ng nangyari ngayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.

Sinampahan na ng kaso ng The National Bureau of Investigation (NBI) batay reklamong murder at frustrated murder si Manay Sandra kaugnay ng pagpaslang sa isang vice mayor noong nakaraang taon.

Tahasang itinuro si Manay Sandra sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Maynila noong 9 Oktubre.

Itinanggi ni Manay Sandra ang alegasyon pero may ibang nakita ang mga eskpertong imbestigador ng NBI.

Hindi lang si Manay Sandra, idinadawit din ang kanyang anak na si Marco Martin Cam, isang Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna, at Rigor dela Cruz.

Matatandaan na sina Gomez, Solis, De Luna, at Dela Cruz ay naaresto matapos ang pagpaslang kay Yuson.

Kahit ilang beses nakaranas ng pangha-harass at pagsasampa ng sandamakmak na kasong Libel, hindi umatras sa kanilang reklamo  ang biyudang si Lalaine, ang anak na si Charlie, at Rufino Alforte.

Ibang klase rin si Manay Sandra, hindi nakontento sa pag­tanggi sa asunto, idinemanda pa ang mga nagsulat ng balita at kolum gayong malinaw naman na ang source ay biyuda ni Yuzon.

Maging ang in­yong lingkod ay isinama ni Manay Sandra sa asunto gayong puwede na­man niyang ipaabot sa mga mamamahayag ang kanyang panig.

Tsk tsk tsk…

Mabilis talaga ang karma, Manay.

Ngayong iniakyat na ng NBI ang kasong murder at frustrated murder, paano na?!

Ilang abogado ka­ya ang kukunin ni Manay Sandra?!

Ang tanong, bail­able ba ang asuntong murder?!

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *