MABILIS na talaga ang karma ngayon. Digital karma.
Gaya ng nangyari ngayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.
Sinampahan na ng kaso ng The National Bureau of Investigation (NBI) batay reklamong murder at frustrated murder si Manay Sandra kaugnay ng pagpaslang sa isang vice mayor noong nakaraang taon.
Tahasang itinuro si Manay Sandra sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Maynila noong 9 Oktubre.
Itinanggi ni Manay Sandra ang alegasyon pero may ibang nakita ang mga eskpertong imbestigador ng NBI.
Hindi lang si Manay Sandra, idinadawit din ang kanyang anak na si Marco Martin Cam, isang Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna, at Rigor dela Cruz.
Matatandaan na sina Gomez, Solis, De Luna, at Dela Cruz ay naaresto matapos ang pagpaslang kay Yuson.
Kahit ilang beses nakaranas ng pangha-harass at pagsasampa ng sandamakmak na kasong Libel, hindi umatras sa kanilang reklamo ang biyudang si Lalaine, ang anak na si Charlie, at Rufino Alforte.
Ibang klase rin si Manay Sandra, hindi nakontento sa pagtanggi sa asunto, idinemanda pa ang mga nagsulat ng balita at kolum gayong malinaw naman na ang source ay biyuda ni Yuzon.
Maging ang inyong lingkod ay isinama ni Manay Sandra sa asunto gayong puwede naman niyang ipaabot sa mga mamamahayag ang kanyang panig.
Tsk tsk tsk…
Mabilis talaga ang karma, Manay.
Ngayong iniakyat na ng NBI ang kasong murder at frustrated murder, paano na?!
Ilang abogado kaya ang kukunin ni Manay Sandra?!
Ang tanong, bailable ba ang asuntong murder?!
‘Yun lang!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap