PINURI ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ginawa ng isang babaeng piskal para pigilan ang papatakas na suspek sa snatching, naganap malapit sa Manila City Hall.
Ayon kay Mayor Isko, isang mabuting mamamayan ang piskal na si Lani Ramos, 51, nakatalaga sa Regional Trial Court Branch 16.
Kinilala ang suspek na si Allan Mahayag.
Sinabi ng alkalde na kapuri-puri ang ginawa ni Ramos dahil hinigitan niya ang kanyang tungkulin bilang isang piskal sa pamamagitan ng pagtulong sa pag-aresto sa isang snatcher na umamin na isang recidivist, dahil ito ang pangatlong beses na naaresto sa snatching.
“Piskal ang nakadale sa snatcher na ito. Sinuntok siya. Hindi po siya natakot. Hindi na po niya trabaho ‘yun and yet, nagmalasakit siya and she went beyond her profession. She is a good citizen,” wika ni Isko.