Saturday , November 16 2024
arrest posas

Sa Maynila… 2 magnanakaw ng kable timbog

KULONG ang dalawang magnanakaw ng kable ng street light nang maaktohan ng contractor/helper ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila.

Isinalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors’ Office ang mga suspek na sina Mark Christian Leonero, alyas Tsuptsup, 18 anyos, walang trabaho ng 1917 Ma. Orosa St., San Andres, Malate, Maynila; at Jericho Mance, alyas Jepoy, 26,  binata, ng 1624 A. Lanao Avenue, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Jay-Jay Sequera Jacob ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT), naaktohan ni Reynaldo  Tindog, 42, contractor helper ng Manila City Hall ang mga suspek na pinuputol ang mga kable ng street lights sa kahabaan ng Apacible St., kanto ng Taft  Ave., Maynila.

Dahil dito, agad siyang humingi ng tulong sa kalapit barangay na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nang nalaman ng roving guard ng Globe Telecom na si Perie Sayco ang insidente natuklasan na ang mga suspek din ang mga respon­sable sa pagnanakaw sa mga cable ng nasabing kompanya sa area ng Malate kaya maghahain din ng reklamo ang Globe laban sa mga suspek. (VV)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *