MUKHANG maililigwak si Mayora Joy Belmonte ng mga ‘pinagkakatiwaalaan’ niyang operatiba ng Quezon City Police District (QCPD).
Bakit ‘ika n’yo?
Aba, imbes ‘yung mga marurungis, dugyot, at nangangalirang na massage spa parlor ang ipa-raid, isang lehitimong spa ang sinalakay ng QCPD Galas Station (PS11) sa E. Rodriguez cor. Hemady St.
Nagtataka naman tayo dahil kung alin ang inirereklamo, ‘e ‘yun naman ang hindi pinapansin ng QCPD.
Napasyalan na ba ng QCPD ang Utopia? Ang malalaking massage parlor sa loob ng malalaking KTV club na nag-o-offer ng extra service?
Ang mga spa-spakol diyan sa area ng Kamias at Kamuning?! Parang hindi naman natin naririnig.
E bakit ba biglang napag-initan ang isang legit na spa gayong kompleto sa requirements at lahat ng masseurs at mesues nila ay lisensiyado, sertipikado at malulusog.
Mayor Joy, mukhang binubulag ka ng mga ‘lespu’ mo. Palagay natin ‘e kailangan mong magkaroon ng sariling ‘intelligence force’ na tutulong sa iyong mangalap ng tamang impormasyon at hindi ‘yung inililigaw ka lamang.
Narito po ang sentimiyento ng isang lehitimong negosyante sa Quezon City na si Wilbert Tolentino at hindi lamang miminsang nagpakita ng suporta sa inyong administrasyon.
“I have been a QC resident for almost two decades and always been a supporter of the Belmonte family. I support the local government’s directives to crack down on illicit spas. However, INTENSiTY SPA was fell victim to this false claim by this article and by the police.
INTENSiTY SPA has been operating for 8 years with complete permits and legal documents, running with ethical practices and provide utmost products and services. The management always implement strict avoidance towards sexual advancement from our clients.
Aside from massage and reflexology, we train our therapists and staffs to treat every client with decency and excellent customer experience.
The false claim of raid is unjust. We have CCTV footages to prove that these enforcers attempted to implant condoms, so they can use it as their evidence.
Many big business and the obvious ones are still operating around Quezon City, such as other sauna bath and many to mention in Kamuning, Kamias, Quezon Avenue, Cubao & yet Intensity was the prime target because it was small and easy prey?
This claim would have a huge impact to our customers and to the image of INTENSiTY SPA. We will stand our ground and fight for the truth.
To the city government of Quezon City, I hope my concern will reach your humble office so we can clear this (sic) issues.
Thank you!
Nawa’y makatulong ito sa inyong pagdedesisyon, Mayora Joy Belmonte.
‘Yun lang.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap