Wednesday , December 4 2024

Nagparali noong May 2019 elections… Mag-utol na olat sa Taguig mayoral & congressional race inasunto ng taxpayers

OLAT na nga, naasunto pa.

Ito ang mapait na sinapit ng talunang Taguig mayoralty bet Arnel Cerafica at ang kanyang utol na natalo rin sa congressional race ng Taguig na si Allan Cerafica.

Kasong sedition o panggugulo ang isinampa laban sa magkapatid na Cerafica at sa kanilang mga kasama sa mga isinagawa nilang ilegal na pagtitipon sa Taguig na nagdulot ng matinding trapiko at prehuwisyo sa mga tao.

Ang kaso ay isinampa ng Taguig taxpayers at miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) nitong Lunes dahil sa serye ng “illegal assemblies and public and tumultuous uprisings” na naganap noong May 14 & 23 2019.

Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal gaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at paglabag sa BP No. 880 ang isinampa laban sa magkapatid na Cerafica sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Hindi matanggap ng mga talunang kandidato ang kanilang sinapit sa nakaraang eleksiyon kaya sila ay nagpasimuno ng illegal assembly. Ito ay matapos lumabas ang resulta ng eleksiyon na nanguna sina dating senator Alan Peter Cayetano at congressman and filmmaker Lino Cayetano ng malaking puntos kontra Cerafica brothers.

Hindi lang ang Cerafica brothers ang nahaharap sa kasong sedition kundi maging ang kanilang mga supporters na nanguna sa pagra-rally. Ilan sa kanila ay kinilalang sina Andre Polo alyas Dre Guez Polo, Gloria Polo, Maria Luisa Roja, Oliver Dinco, Atty. Glenn Chong, Theresa Estanislao Reyes, Jheny Perey Orellana, Karen Mercado, Yolly Lacsaron, Daniel Galmarin, Baby Celso, alyas Annie Marie, alyas Ma. Fatima, alyas Florinda at ilan pang John at Jane Does.

Sa pagsasampa ng kaso, sinabi ng mga complainant na ang magkapatid na Cerafica at ang kanilang grupo ay ilegal na pinagbawalan ang Taguig City officials na gampanan ang kanilang mga trabaho nang magkaroon ng ilegal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, isang public road, noong May 14.

Nagdulot rin ng pagsikip sa trapiko at paralisasyon sa daloy ng komersiyo ang naganap na illegal assembly sa kahabaan ng C-5 noong May 23. Pawang walang permit ang mga naturang pagtitipon na ikinainis ng mga na-stranded na residente.

Sa reklamong isinampa, ang Cerafica brothers ay nagtawag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o ‘infliction of acts of hate’ sa public officers, at mayroon pang binitawang mga libelous na salita laban sa gobyerno dahil umano sa dayaan sa 2019 elections.

“The tumultuous nature of the illegal assemblies is readily apparent from the use of loud speakers, blaring of music, honking of horns and loud shouts of respondents John and Jane Does,” ayon sa isang complainant.

“Respondents have committed a series of actual overt acts showing a concerted and systematic criminal design and purpose to perpetrate the crimes charged…” ayon sa reklamo.

“We understand that where the acts collectively and individually demonstrate the existence of a common design towards the accomplishment of the same unlawful purpose, conspiracy is evident and all the perpetrators will be liable as principals,” saad sa kasong isinampa.

Akala siguro ng magkapatid na Cerafica at ng kanilang supporters, mapalalagpas ang mga ganitong paninira ng order at safety ng isang lugar. Wala kayong kawala ngayon sa kasong naipukol sa inyo.

Hindi palalagpasin ng batas ang ma ganitong pangyayari lalo pa’t sobrang raming tao ang inabala at pinagod dahil hindi matanggap ang pagkatalo.

Tsk tsk tsk.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *