Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Super health centers sa bawat distrito ng Maynila — Isko

SA KAUNA-UNA­HANG pagkakataon ay magkakaroon ng super centers ang bawat distrito ng Lungsod ng Maynila bilang alay ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Maynila.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna, super centers na maituturing matapos masaksihan ang iniharap na plano ni Manila Health Depart­ment (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan sa ginanap na cluster meeting.

Ang serbisyo ng tina­guriang super health center ay libreng ipagka­kaloob sa mga residente na may libreng con­sultation, laboratories, at animal bite clinic, lying-in clinics na may naka­talagang doktor at nurse.

Nabatid, magka­karoon rin ang super centers ng diabetes clinic, halfway home para sa pasyente na may cancer, cough center (COPD, asthma), autism and cerebral palsy clinic, women’s wellness center, adolescent counselling clinic, treatment hub for HIV/AIDS patients at mental health clinic.

Sinabi ni Pangan, isang one-stop-shop rin ang nakatakdang ilagay sa super centers upang maibsan ang malaking work load at transactions sa Manila City Hall.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Isko ang mga  enkargado sa mga ospital at centers na i-update ang mga uri ng sakit, pasyente kada sakit at iba pang health issues partikular sa seasonal virus o disease.

“If you have the specifics, good for you.  If not, either you are out or you have no control of your office. We need these data to guide the city government as to the kinds of supplies that should be purchased relative to caring for the health of Manila residents,” ayon kay Mayor Isko.

Mahalaga aniya na tugma ang gamot na kailangan ng tao upang hindi masayang ang pera at mabigyang lunas agad ang may sakit.

Seryosong paghihi­kayat ni Isko sa MHD na ibalik ang dignidad ng health centers na natu­unan ang pang-unang lunas bago dalhin sa ospital.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …