Tuesday , April 29 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pastillas’ exposé ni Senator Risa ‘lumatay’ sa maling kawani ng BI-NAIA

MARAMING natuwa sa exposé ni Senadora Risa Hontiveros hinggil sa ‘Pastillas’ ops o modus na human trafficking ng ilang taga-Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero marami naman ang nalungkot sa naging reaksiyon ni Immigration Commissioner Jaime “Bong” Morente — na sabi nga ng Palasyo ay patuloy na pinagkakatiwalaan ng Pangulo — na tila naghugas ng kamay at pinagsisibak kahit ang mga walang muwang.

Kung tutuusin, kung ibabagsak ni Pangulong Rodrigo Duterte ‘ang tabak’ ni Damocles at tatamaan si Commissioner Morente puwede na nating sabihin na ‘nadamay’ lang siya.

Gaya rin ng ginawa niyang pagsibak o pagsuspende sa ilang kawani ng Immigration  na kung tutuusin ay walang kinalaman sa expose ni Senadora Risa hinggil sa modus na ‘pastillas.’

Anyway, sabi nga ng mga tinamaan ng suspensiyon, “We have to follow orders.”

Pero mungkahi lang natin kay Senadora Risa, dapat sana’y itsinek muna niya ang authenticity ng mga photo at video clips na ginamit niya sa kanyang expose sa Senate hearing.

Ayon sa mga tinamaan ng suspensiyon, hindi sila ang nasa retrato at lalong hindi sila ang nasa video.

Katunayan ang nasabing video ay naganap noong Enero 2019 pa. Ginamit na rin ni Mr. Ramon Tulfo ang nasabing video clips sa kanyang programa.

At dahil napahiya ang buong Bureau, naturalmente, ang magiging reaksiyon ni Commissioner Morente ay manibak ng mga inaakala niyang sangkot sa nasabing naletseng ‘pastillas’ modus.

Ang siste, hindi nga sangkot doon ang mga nasibak.

Ang pinakamainam na gawin ni Commissioner Morente para hindi siya magmukhang namamaril na may piring sa mata ay isailalim sa lifetysle check ang kanyang mga opisyal lalo ang head supervisor ng BI-NAIA sa terminal 1 na sinabing pinagdaraanan ng mga Chinese POGO workers.

Ipahanap din ni Senadora Risa si Boy Pisngi o si Cheek Boy at isalang sa lifestyle check para maituga niya kung sino-sino ang mga kasabwat niya riyan.

Malamang kapag ipinatawag ni Senadora Risa, si  BI-NAIA terminal 1 head supervisor Dennis Robles ay masasagot ang mga tanong na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan.

Hindi ba, Mr. Dennis Robles?! It’s your time to shine, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *