Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May krisis na ba ang gera sa droga ni President Duterte?

MARAMI ang naniniwalang unti-unting umuusbong ang ‘krisis’ sa pinaigting na ‘gera’ ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Sa pinakahuling pangyayari, kinompirma ni Interior Secretary Eduardo Año na si P/Lt. Col. Jovie Espenido ay kabilang sa drug watchlist ng Philippine National Police (PNP).

Pero sabi ni Secretary Año, kailangan pang mai-validate ang impormasyon.

Ang tanong: sino ang magba-validate?

“Yes, that’s true and he will also undergo validation and possible investigation,” pagtitiyak ni Secretary Año.

Pero siyempre, sa ilalim ng batas, si Espenido ay mananatiling inosente hangga’t hinda napapatunayan sa asuntong iniaakusa laban sa kanya.

Pero nakakikilabot, kung hindi man nakalulungkot, ang pagkakasangkot ni Col. Espenido sa ilegal na droga.

Kung tutuusin, siya halos ang pinagkakatiwalaan ng Pangulo sa usapin ng ilegal na droga. Naniniwala ang Pangulo na si Espendio ang tamang tao para sa kanyang gera laban sa ilegal na droga.

Pero ngayong isinasangkot siya sa ilegal na droga, paano na?!

Sabi nga ng ilang nakakausap natin sa huntahan ng mga tricycle driver, ang nangyayari raw ngayon kay Espenido ay parang nangyayari kay Gen. Borja sa teleseryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Si Gen. Borja umano na dating kapanalig ng presidenteng si Oscar na dinodroga naman ng kanyang first lady na si Lily, ay idinidiin umano ngayon sa ilegal na droga ng kanilang mga kalaban.

Excuse me po — hindi tayo nakapapanood ng teleserye ni Coco Martin — pero base sa kuwento ng mga tricycle driver mukhang nagiging totoong buhay ang istorya ng Ang Probinsiyano?!

Ganoon nga ba ang nangyayari kay Espenido?!

O mukhang ‘scripted’ na rin talaga ang mga galaw noon pa man ni Espenido?

At gaano kasigurado ang mamamayan na may kredebilidad ang magba-validate ng akusasyon laban kay Espenido?!

Mabigat na krisis ito ngayon sa gera kontra droga ni Pangulong Digong.

Pero ayaw paniwalaan ni Pangulong Digong ang bintang laban kay Espenido.

Matatandaang pinuri ni Digong si Espenido sa police operations na nakapaslang kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, isang pinagsusupetsahang big time drug lord, noong Hulyo 2017.

Nakagugulat ang biglang pagbaliktad ng kredibilidad ni Espenido. Nag-iba lang ang PNP chief, nagbago na rin ang ihip ng hangin?!

Hindi kaya magbaliktaran lahat ang mga pangalan sa drug watchlist?

Mukhang hindi ‘positibo’ ang pasok ng 2020 sa administrasyong Duterte.

Tsk tsk stk…

Let’s keep our fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *