Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Balasubas na POGOs bakit hindi kayang habulin ng BIR?

UMAABOT sa P50 bilyones ang buwis na hindi binayaran ng mayorya sa 60 licensed Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Wattafak!

P50 bilyones?! Ang laking pera niyan na sana’y pumasok sa kabang yaman ng bayan pero hindi nga nagyari dahil binalasubas ng POGOs ang kaban ng Filipinas.

Sabi mismo ni Atty. Sixto Dy, Jr., mula sa BIR Office of the Deputy Commission for Operations,  “all foreign-based Pogo licensees are not paying their franchise tax.”

‘Yan ‘yung mga legal na nakarehistro. Hindi pa kasama riyan ‘yung mga naka-umbrella sa mga rehistrado at lisensiyadong POGO.

‘Yung mga naka-umbrella, ang sinasabi lang ng POGOs diyan, mga service provider nila. Pero sa totoo lang, isa rin silang POGO na nag-o-operate ng online gaming.

 Kumbaga, ‘yung naka-umbrella na service provider ay sub-con ng mga may lisensiya.

At sila ‘yung mga mas malakas pang ‘magnakaw’ ng buwis na supposedly ay pumasok sa kabang-yaman ng bansa.

Isa sa itinuturing na POGO King ngayon ay si Kim Wong na siyang nakabili ng Island Cove sa Cavite at ngayon ay tinatayuan ng pinakamalaki at pinakamalawak na POGO hub sa bansa.

Kaya kung sinasabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nabisto nila ang pambabalasubas ng halos 60 lisensiyadong POGO, gusto nating itanong, nainspeksiyon na ba ninyo ang libro de cuenta ng mga POGO ni Mr. Wong?!

Mukhang maraming malalaking taong ‘panangga’ si Mr. Wong kaya hindi siya napapakialaman ng BIR.

Gaano ba kalaki ang mga panangga ni Mr. Wong at hindi mapakialaman ng BIR?!

Singlaki at singbigat ba ‘yan ng barko-barkong semento sa port area?!

Just asking lang po.

E kung kumikita naman ang mga POGO ninyo, aba’y magbayad naman kayo ng tamang buwis!

Paging BIR!

                         

MAYOR EDWIN OLIVAREZ
NANGAKO SA MULTINATIONAL
HOMEOWNERS PERO MUKHANG
HINDI TUMUPAD

Kamakailan ay nakipagpulong ang mga homeowners sa Multinational Village kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Matagal na kasi nilang inirereklamoa ang paglabag sa R1 Zoning ng mismong mga opisyal ng homeowners association, at tuloy-tuloy na konstruksiyon ng mga illegal structure sa loob mismo ng Village.

Nangako si Mayor Olivarez na magpapadala siya ng building inspectors mula sa Parañaque city hall lalo ‘yung mga naka-hold ang building permit pero tuloy-tuloy ang konstruksiyon.

Pero ilang linggo na ang nakalilipas, wala namang dumating na buiding inspectors sa Multinational Village.

Ayaw nating pagdudahan na baka ‘binola’ lang ni Mayor Olivarez ang homeowners ng Multinational Village.

‘Yun bang tipong, “Pinangakuan na kayo, gusto pa ninyong tuparin?

Ayaw rin nating isipin na nagkaroon ng ‘nagkaayusang’ este ‘maayos na usapan’ ang building inspectors at ang mga iinspeksiyonin kaya hindi na nakarating ang katotohanan kay Mayor Olivarez?!

Alin kaya ang totoo sa dalawa Mayor?!

Sana nama’y nagkakamali kami ng sapantaha.

Sana nama’y makatulong ka namin para solusyonan ang problemang ito ng homeowners sa Multinational Village.

Puwede po ba Mayor Olivarez?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *