Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Franchise ng ABS-CBN tuluyan na nga kayang ‘matokhang?’

HINDI pa man naikakalendaryo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isyu ng franchise ng ABS CBN, heto’t naghain na sa Korte Suprema ng Quo Warranto petition si Office of the Solicitor General Jose Calida.

Sa kanyang petition ay nagmamadali si SolGen Calida na tanggalan ng franchise ang ABS CBN Corporation at ang ABS CBN Convergence dahil lumalabag umano ito sa pribelihiyong ipinagkaloob sa kanila ng umiiral na batas.      

Kung titingnan ang OSG at ang Kamara, mukhang mas nagmamadali ang tanggapan ng Solicitor General na resolbahin ang ‘isyu’ tungkol sa franchise ng ABS CBN.

‘Yan ay gayong responsibilidad ng Kongreso (Mababa at Mataas na Kapulungan) ang pagkakaloob at pagbawi sa prankisa ng ABS CBN.

Ano ang rason ng pagmamadali ni SolGen Calida?! Parang ‘hot’ na ‘hot’ siyang matanggalan ng franchise ang ABS CBN. 

Pero ang higit na nakatatawa rito, ‘yung sinasabi ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo na walang kinalaman sa ‘press freedom’ ang pagmamadaling matanggalan ng franchise ang ABS CBN.

Kung ang isang malaking kompanya na nakapagbibigay ng trabaho sa malaking bilang ng mamamayan, mabilis na nakatutugon sa social responsibility sa pamamagitan ng kanilang mga outreach programs o projects para sa batayang sektor ng mga mamamayan sa bansa, mamadaliin ba ng isang pamahalaan o gobyerno na tanggalan ito ng prankisa?!

Malamang hindi, ‘di ba?

Kaya sa hakbang ni SolGen Calida na maghain ng quo warranto laban sa ABS CBN — marami ang nagtatanong, ano ang kanilang ultimong layunin?!

Para ba talaga ito sa ‘mabuti’ at ‘masugid’ na pagpapatupad ng batas?

By the way, maalala ko nga pala, ang daming talents and broadcasters ng ABS CBN ang sumuporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong nakaraang eleksiyon gaya nina Ka Tunying, Ted Failon at Robin Padilla, hindi kaya nila kayang pakiusapan ang Palasyo na iatras ang quo warranto?

Baka naman sila ang makahilot niyan?!

Wanna try?!

 

MARAMING PRANING
SA ISYU NG MGA DAYUHAN
SA BORACAY

Tila misinformed yata ang ibang katoto natin sa media tungkol sa lumalabas na isyu na marami pa rin turistang tsekwa ang dumarating sa isla ng Boracay.

Kamakailan lang ay lumabas sa ibang pahayagan na nasa 2,000 pa rin daw ang bilang ng turista sa isla sa kabila ng direktiba ng pamahalaan tungkol sa travel (ban) advisory.

Mayroon din lumabas na issue na 178 daw ang dumating na Chinese national sa Boracay at tila binabalewala ng mga taga-Immigration ang kautusan ng pamahalaan.

Pati nga LGUs (local government units) ng lugar ay naaalarma sa lumalabas na balita?!

Ayon sa ating pananaliksik, masyadong OA at praning ang ilang netizens maging ang mga opisyal ng Aklan sa natatanggap nilang maling impormasyon.

Beripikado na simula pa noong 24 Enero ay ‘wala’ nang dumarating sa Kalibo International Airport na flights mula sa China.

Ito kasing KIA pati Mactan International Airports ang tanging dalawang paliparan na may direct flights galing Wuhan.

Matapos suspendehin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagdating ng mga eroplano galing doon ay tumigil na agad ang arrival ng mga turista galing Wuhan.

Ang sinasabi naman na 78 turistang singkit na dumating doon ay walang kompirmasyon maliban sa sinasabi ng ilan nating nakausap na maaaring mga Chinese workers ito na nakabase na sa isla!

Posible rin na ang mga sinasabi nilang Intsik ay mga Taiwanese na dumarating sa Kalibo airport.  

Sa mga hindi pa nakaaalam, hindi kasama ang Taiwan sa pinatawan ng travel ban!

Hitsurang intsik din sila, ‘di ba?!

Kinukuwestiyon din  noon pa man na laganap sa Bora ang mga trabahador na intsik at posibleng labas pasok sa Jetti Port na dinaraanan ng lahat ng mga turista?!

Marami lang praning ‘di ba?

Mas makabubuting ang tamang opsina ang sumagot sa mga isyung ‘yan at ang Alien Control Officer ng Boracay Immigration field office, ‘di ho ba!?

Minsan tuloy dahil sa pagka-epal o aligaga ng ilang tao ay hindi na gumagana ang common sense.

Actually, mula nang pumutok ang issue tungkol sa nCoV ay ayaw na rin magsiuwi ng mga Chinese sa kanilang bansa kaya huwag na tayong magtaka kung sa bawat panig ng Filipinas ay naglipana pa ang mga tsekwa pati na rin Koreano sa Boracay!

Marami rin ang nakikisawsaw sa isyu gaya na lang ng ilang mambabatas natin na nakakita ng pagkakataon para sa kanilang grandstanding.

Sandamakmak na nagbibida-bida para sumikat!

Makatutulong kaya ang kanilang ginagawa sa ating lipunan?

‘Di ba mas mainam kung solusyon ang hanapin nila upang mas kapakipakinabang!

Isa rin ‘yang BOQ (Bureau of Quarantine), imbes magbigay ng tamang info at solusyon sa pamahalaan, lalo pa nilang pinapraning ang mga opisyal ng probinsiya sa mali-mali nilang impormasyon at desisyon sa airport?!

Tsk, tsk, tsk!

Sabagay bihira lang naman sila maging aktibo, ‘pag ganyang may epidemya na. Kadalasan pagkatapos nilang mag-inspeksiyon sa eroplano at magbigay ng clearance, chill-chill lang sila sa kanilang opisina!

Susme!

Umayos nga kayo mga taga-BOQ!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *