Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Spa ‘prostitution’ namamayagpag sa Quezon City

NOONG araw, ang tawag sa mga massage parlor ay ‘sauna bath.’

Ngayon ang tawag sa mga massage parlor ay spa.

Supposedly, ang spa ay isang relaxing body wellness sa tunay na esensiya nito.

Pero hindi ganito ang nangyayari sa mga namamayagpag na spa massage parlor sa Quezon City.

Ayon sa ating mga kabulabog, sikat ang Kremlin spa na ang bayad ay room rate. Three storey umano ang Kremlin at bawat floor ay iba-iba ang presyo ng bebotsky.

Alam kaya ni Mayora Joy Belmonte ‘yan?!

But, wait there’s more…             

Nariyan rin umano ang Juvines’ Spa na ang rate ay para kang nasa palengke. Kung spakol lang P500. Pero kapag gusto ng ‘all the way’ game na game ang mga  massage therapist sa halagang P2,500.

Malapit lang daw ‘yan sa Banawe St., sa kanto ng Quezon Ave.

Ang Ameca Spa na nagsara na raw pero nakapagtatakang nagbukas na naman ngayon.

At mukhang sanay na sanay rin sa rates…

Ang spakol ay P500; P1,500 kapag BJ; P2,000 kapag body to body massage na hubo’t hubad ang customer at massage therapist; P3,500 to P5,000 kapag all the way. 

Matatagpuan umano sa D. Tuazon St., malapit sa St. Therese College.

Hoy, mahiya naman kayo, diyan pa kayo dumikit?!

Kaya konting tip lang po ‘yan Mayora Joy Belmonte. Hindi na kayo mahihirapng mag-locate, kumbaga isang ikutan lang.

Hihintayin po namin ang resulta ng inyong pagrerekorida.  

Go Mayora Joy!

 

PERYA-SUGALAN
SA STO. NIÑO
PARAÑAQUE CITY
APROBADO BA
KAY MAYOR EDWIN
OLIVAREZ?

DIYAN naman sa Barangay Sto. Niño sa Parañaque City walang kabog ang perya-sugalan na talagang dinarayo ng mahihillig sa color games.

Kung inaakala po ninyong rides ang dinarayo riyan, ‘e nagkakamali po kayo.

Ang perya ay dinarayo dahil sa kanilang mga  kakaibang ‘palaro’ gaya ng ‘sa pula sa puti,’ ‘beto-beto,’ at iba pang larong may tayaan.

Hindi natin maintindihan kung bakit tila hindi nababahala ang mga opisyal ng barangay, police community precinct (PCP) at mismong ang tanggapan ni Mayor Edwin Olivarez?!

Tapos na ang Paskong pagsilang ni baby Jesus, at maging ang Pasko ng mga Intsik pero nariyan pa rin ang perya-sugalan na ‘yan.

Hihintayin pa ba ang Pasko ng Pagkabuhay bago i-dismantle ang perya-sugalan o permanente na ba ‘yan diyan sa Sto. Niño?!

Mayor Edwin Olivarez Sir, totoo bang, nakatimbre sa inyo ang perya-sugalan na ‘yan?!

Aba ang laki raw po ng pangalan ninyo roon?!

Paki-verify lang po, Mayor Olivarez.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *