Wednesday , April 16 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mag-ingat sa Tito Sen’s ‘fake news’ virus

MAG-INGAT sa virus na ipinakakalat ni Senate President Vicente “Tito Sen” Sotto III.

Siguro’y nasanay sa paggawa ng mga fantasy movie si Tito Sen kaya medyo lumikot ang kanyang pag-iisip nang mapanood ang isang video sa social media na ang 2019 novel coronavirus ay gawa ng United States at UK bilang biochemical warfare laban sa Asian Giant na China.

Siyempre, dahil sa sitwasyon ng mundo ngayon, ang mga ganyang pagpapakalat sa social media ay parang gatilyo ng baril na kapag may nakasaling ay talaga namang magpapakawala ng ‘mainit na bala’ ng  sandamkmak na haka-haka at conspiracy theories.

Hindi naman natin masisi ang iba nating kababayan kung may ganyang pag-iisip. Lalo na ‘yung mga ordinaryong tao na sumasambot din ng haka-haka sa social media.

Pero kung isang Senate President ang nag-iisip at nagpapakalat ng mga ganyang ideya, ay wattafak, para siyang may sapak!

Hindi man lang ba naisip ni Tito Sen na siya ay isang awtoridad na anoman ang kanyang sabihin ay maaaring paniwalaan lalo ng mga bumibilib sa kanya?!

Okey lang naman mag-entertain ng ganyag video pero sana hinanapan muna ng matinong atribusyon o source ni Tito Sen.

‘E ang lumalabas lahat ng link ng nasabing video at maging ‘yung mga nag-share ay mga kaduda-dudang website at laging pinagmumulan ng mga mali at malisyosong balita at imporma­syon.

Mr. Senate President Sir, ang dami nang nagpa-panic na tao sa buong mundo dahil hindi naipapaliwanag nang maayos kung ano ang coronavirus, puwede bang huwag na ninyong dagdagan?!

Hindi po kayo naglalaro riyan sa hearing sa Senado na kahit tsismis o kenkoyan lang ‘e puwede ninyong pag-usapan nang wala man lang mga basehan.

Wangak ang sambayanang Filipino diyan, kapag ganyan nang ganyan ka Tito Sen.

Hindi naman siguro masamang, magbasa-basa rin Tito Sen. Aral, aral din kapag may time.

Sa rami ng consultants mo, hindi ka ba puwedeng kumuha ng IT experts na ang trabaho ay mag-check ng mga website ng mga binasa mo?!

Jingle Songhits na lang kaya ang pag-usapan ninyo sa Senado, tiyak valedictorian ka riyan.

Hik hik hik.

Ingat-ingat po sa kumakalat na Tito Sen’s ‘fake news’ virus.

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *