Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P300-M pondo ng DICT ginamit na ‘intel fund’ ubos sa loob ng 25 araw

MARAMI ang nagulat sa ibinunyag ni Undersecretary Eliseo Rio, Jr., tungkol sa paggamit ng pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng pamumuno ni dating senador at ngayon ay Secretary Gregorio Honasan.

Bukod sa maling paggamit ng pondo ng DICT bilang intelligence fund, ‘yung P300 milyong bahagi ng pondo ay naubos sa loob ng 25 araw.

Wattafak!

Parang pacman games kung maglustay ng kuwarta ang DICT, all in the name of intelligence fund?!

Ano ba ang nangyari kay Secretary Greg Honasan?! Inisip ba niyang inilagay siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DICT para maniktik?!

Your military days were over, Mr. Gringo. Learn how to work in a civilian way.

Ayaw naman natin isipin na si Secretary Honasan ay naniniktik na parang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang?!

Hindi ba’t may panahon na ganoon ang naging ‘tsismis’ kina Honasan at ibang heneral na kabilang sa Matatag Class 71 ng Philippine Military Academy (PMA)?

Pero hanggang namatay ang nasabing isyu ay wala namang napatunayan.  

Pero ngayong nabunyag ang paggamit ni Secretary Honasan sa pondo ng DICT bilang intelligence fund tila mukhang ‘nabuhay’ na naman ang ‘tsismis.’

Anyway, simple lang naman ang isyung pinag-uusapan bakit ginamit ni Secretary Greg na intelligence fund ang pondo ng DICT gayong hindi ito ang mandato ng ahensiyang kanyang pinamumunuan?!

“My original position has always been [that] the DICT cannot use a confidential fund because it’s not in our mandate to do intelligence and surveillance work,” ‘yan ang pahayag ni Usec. Rio.

Ayon kay Usec Rio, ang kanilang pondo ay P400 milyon para sa 2019 at P800 milyon para sa 2020.

Pero ang unang tungkulin ng DICT  ay maging main planning body para paunlarin ang public access, consumer protection, at industry develop­ment at pagbubuo ng formula para sa cyber­security policy ng bansa.

Pero ayon mismo kay Usec. Rio, nagtataka siya kung bakit ang programang free Wi-Fi ng gobyerno ay pinigil at parang gusto nang ibaon sa limot. Bumalik lang umano ito matapos ang matetensiyong pagpupulong at nang siya ay maetsapuwera sa decision-making, ang krusyal na bahagi ng kanyang papel sa DICT.

“I’m supposed to be the undersecretary of operations but I was not involved and have no say in their decisions,” dagdag ni Usec Rio, pero tumanggi na umanong tukuyin ang mga opisyal na nag-etsapuwera sa kanya.

Isa umano iyon sa dahilan kung bakit siya nagbitiw sa ahensiya. Sayang umano ang isinusuweldo sa kanyang ng gobyerno kung siya ay mananatiling parang ‘fixture’ lang sa loob ng ahensiya.

Hinahangad ni Rio na makapulong si Pangulong Digong para magkaroon siya ng pagkakataong masabi kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Batay sa COA audit sa kanilang memorandum noong 20 Enero, nabatid na ang DICT ay nag-nag-advance ng P300 milyong cash para sa confidential expenses sa tatlong okasyon — P100 milyon noong 22 Nobyembre, P100 muli noong 2 Disyembre, at 17 Disyembre noong 2019.

Lahat umano ay sa pangalan ni Secretary Honasan at sinabing ito ay “confidential expenses in connection with cybersecurity activities.”

Sa pagrerepaso ng COA, mayroon silang nakitang depekto sa pagpoproseso ng nasabing transaksiyon.

At iyon ngayon ang binubusising maigi ng COA.

Abangan natin mga suki kung ano ang magiging kagila-gilalas na desisyon ng DICT at ni Secretary Honasan.

Pero sa palagay natin, iba ang sinasabi ng COA. Mas malamang na sinasabi nitong — humanda kayo!

 

BALASAHAN
SA BI
NAIA-BCIU

Isa na namang rigodon ang nangyari sa Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa Bureau of Immigration (BI) NAIA.

Sa isang Personnel Order na pirmado ni BI Commissioner Jaime Morente, si Erwin Ortañez na naging hepe noon ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ang siya ngayong bagong BCIU Overall Chief sa BI-NAIA kapalit ni Atty. Rommel Tacorda na inilipat naman sa BI-Interpol.

Si ‘Manikang Itim’ kaya ay nakasama sa rigodon?

Balitang sandamakmak ang job orders (JOs) ang ipinasok niyan sa airport?

Dahil kaya sa Hao Hsiao na VUA ‘yan?

By the way, hindi ba sinibak noon si Ortañez sa TCEU dahil sa umano’y mga raket na inexpose ni Mr. Ramon Tulfo sa Immigration NAIA?

Bakit ibinalik na naman ang bata-batuta ni Red Mariñas sa BI-NAIA!?

Ang lakas pala ng kamandag nito?!

Sana hindi makarating kay Mr. Tulfo ang balitang ito!

Sinasabing may mga kasunod pa raw na magaganap na rigodon dahil sa direktiba ni Commissioner Morente.

Maraming POs daw ang kasalukuyang nakatengga sa OCOM at naghihintay ng hudyat para italaga sa mga airports.

Kasama rin daw sa rigodong magaganap ang mga Terminal Heads, Duty Immigration Supervisors at ilang TCEU members upang maiwasan ang familiarization sa kanilang mga baluwarte?!

Aruuyyy!

Well, in support tayo sa planong ito ni Commissioner Morente. Lalo na ‘yung mga terminal heads na hindi marunong tumupad sa kanilang mga obligasyon sa kanilang mga IOs?!

Awwwwts!

Wala ako sinabing si Boy Sisig ‘yan ha?!

 

PROSTI-CLUB
SA PASIG

ALAM kaya o hindi ipinaaalam kay Pasig Mayor Vico Sotto na talamak ang human trafficking diyan sa VENETO LUNA CLUB.

Matagal na nga raw namamayagpag ang extra-VIP-service sa naturang club.

Iniaakyat lang daw sa hotel na katabi ng club na ‘yan ang babaeng makukursunadahan ng costumer. P8,000 pataas ang usapan sa isang quickie sex.

Mayor Vico, painspeksiyon nga po ninyo ang kababalagahan diyan sa Veneto Luna club!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *