Thursday , November 21 2024

Poor man’s ‘extra service’ lang ba ang kayang palagan ni QC Mayor Joy Belmonte?

NITONG nakaraang Biyernes nagdeklara si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng ‘gera’ laban sa mga massage parlor na nag-o-offer ng ‘extra service’ sa kanilang mga parokyano.

At unang nadale sa gerang ‘yan ang Epitome Z na matatagpuan sa K-H West Kamias, Quezon City.

Ang sabi, nakatanggap umano ng ‘tip’ ang awtoridad via text message na may nagaganap na bentahan ng laman sa nasabing establishment.

At nang i-check ng pulisya, nabuking na wala palang business permit ang nasabing ‘spakol.’

Sa madaling sabi, sumugod doon ang team ng  Quezon City Police District’s Station 9, Business Permits and Licensing Department (BPLD), Social Services Development Department, at ang Quezon City General Hospital (QCGH).

Umabot sa 14 katao ang naaresto kabilang ang tatlong male massage therapists.

Ayon kay QCGH Director Dr. Josephine Sabando, ang mga naaresto ay  dinala sa QC Protection Center para sa physical examination at dalawa sa therapists ay nasuring may Hepatitis B at syphilis.

At dahil napatunayan nga na walang business permit, ipinasara ng QC BPLD ang Epitome Z.

Natutuwa naman tayo at kumikilos nang ganyan kabilis ang pulisya at ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa pamumuno nga ni Mayora Joy laban sa lantarang ‘pagbebenta ng laman’ sa mga massage parlor na talaga namang hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ‘raket’ na ‘extra service.’

Pero mayroon lang tayong napupuna sa ganitong mga aksiyon ni Mayora Joy.

Tuwing nagpapa-raid siya ng mga ganyang establishments, ang laging napupuntirya ‘e ‘yung mga tinatawag na ‘poor man’s’ massage parlor.

Kung talagang seryoso ang lokal na pamahalaan na sugpuin ang ganyang klase ng ‘prostitusyon’ sa kanilang lungsod sana ‘makapa’ rin ni Mayora Joy ang mga massage parlor na nasa loob ng mga high-end KTV bars and clubs diyan sa Quezon Ave., at Timog Ave.

Hindi kaya alam ni Mayora Joy na sa loob mismo ng mga KTV bars and clubs ay may nag-o-offer ng extra service?!

Ang ‘extra service’ ba ay ‘package deal’ kapag may business permit ang isang KTV bar/clubs o high-end massage parlor mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City?

Sa huling insidente, malinaw ang sabi ng LGU, natuklasan lang nila na walang permit ang Epitome Z at may nagaganap na ‘extra service’ dahil mayroon umanong nag-tip sa pulisya.

E paano pala kung walang nag-tip!?

Hindi matutuklasan ng QC BPLD na walang business permit ang nasabing establisimiyento?!

Ibig bang sabihin nito na hindi nag-iinspeksiyon ang QC BPLD?!

Subukan kayang inspeksiyonin ni Mayora Joy at ng QC BPLD ang mga KTV bars/clubs at massage parlor sa Q. Ave., at sa Timog gaya ng Balai Luna at ang Sir William Apartelle na puwedeng magpatawag ng babae with ‘extra service.’

Sabi nga ni Mayor Joy, “Iniutos ko ang pinaigting na kampanya laban sa mga spa na nag-aalok ng extra service sa ating lungsod upang matuldukan na ang ganitong kalakaran.” 

Bukod diyan nanawagan din siya na i-report ang mga massage parlor na nag-o-offer ng ‘extra service’ sa Hotline 122.

Dahil daw sa pinaigting na kampanya at operasyon ng kanyang tanggapan ay mababa­wasan o masusugpo nila ang pagkalat ng sexually transmitted diseases (STDs) at matitigil ang ‘sexual exploitation.’

Mungkahi lang po, Mayora Joy, huwag kayong maghintay ng sumbong lang, inspek­siyonin ninyo ang mga KTV bars/clubs na ‘yan at matutuklasan ninyong sandamakmak ang ‘extra service’ sa loob ng kanilang VIP rooms.

Huwag po ninyong hintayin na mabansagan kayong, poor man’s spakol with ‘extra service’ ang kaya lang ninyong ipa-raid at palagan.

Dapat all, ‘di ba, Mayor Joy!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *