Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Temporary travel ban sa lahat ng dayuhan mula sa China, Hong Kong & Macau

SA WAKAS ay ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang temporary ban sa lahat ng mga dayuhan, hindi lang sa Chinese nationals, kundi sa lahat ng dayuhan na bumiyahe sa China, Macau, at Hong Kong tapos ay papasok sa ating bansa.

‘Yan ay bilang pag-iingat sa tila pandemic na novel coronavirus (n-CoV) na sinabing nagsimula sa Wuhan City, ang kabiserang lungsod ng Hubei province ng China.

Mukhang kinabog na rin si Pangulong Digong kaya iniutos na rin niya ang temporary ban sa lahat ng dayuhan na manggagaling sa mga bansang may malalang n-CoV.

Pero sa totoo lang, ang Hong Kong ay matagal nang nagsara ng kanilang airport sa kanilang mainland, kasi nais nilang pangalagaan ang kanilang mga mamamayan.

Dito sa atin, kinailangang magpulong ang Pangulo, ang kanyang gabinete, at ilang medical experts para pag-usapan ang mga kinakailangang gawin o preventive measures upang maiwasan ang pagkahawa ng ating mga mamamayan.

 “Rest assured that the Duterte administration takes this threat seriously. I am appealing to the public to cooperate with authorities in order to ensure the safety of everyone,” ‘yan naman ang sabi Senador Christopher “Bong” Go.

Tuluyan na rin nagkansela ng biyahe ang karamihan sa mga airlines na magmumula sa China. Nauna na rito ang flights ng PAL, Air Asia, Cebu Pacific maging ang maliliit na biyahe mula China sa lugar ng Kalibo, Aklan na ang final destination ay sa isla ng Boracay.

Inaasahan din ang ilan pang kanselasyon ng biyahe sa ilan pang lugar ng turismo sa bansa gaya ng Bohol, Palawan, at Cebu City.

Good job, Mr. President!

Sa hanay ng mga kababayan natin lalo ‘yung mga mahilig mag-social media, aba ‘e puwede bang huwag kayong manakot at tigilan ang diskrimimasyon?!

Sana’y maging responasable ang bawat isa sa pagpo-post para hindi nakadaragdag sa pagpa-panic ng ating mga kababayan.

Nakita na ninyong napakakupad mag-update ng Department of Health (DOH) ‘e pinanga­ngamba pa ang ating mga kababayan.

Magkaisa tayo sa laban sa n-CoV!

 

HUMAN RIGHTS LAWYER
NA PINUNA SI MAYOR ISKO
SA KANYANG BILLBOARD ADS
SANA’Y TUMULONG DIN
SA MALILIIT  NATING
KABABAYAN

Pambihira naman ang isang Ms. Attorney Human Rights na pumuna sa billboard ads ni Mayor Isko.

Supposedly raw ay hindi dapat gawin ni Mayor Isko ‘yan dahil siya ay public servant.

E sabi nga ni Mayor Isko, ginawa niya iyon para ang ibabayad sa kanyang  pagmomodelo ay maitulong niya sa mga kababayan natin sa Batangas na sinalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ganyan din ang ginawa niya nang mag­donasyon  siya sa UP-PGH. Mula rin sa kanyang kinita sa pagmomodelo ang kanyang ipinag­kaloon doon.

Sabi ni Mayor Isko, sa ganoong paraan man lang daw ay makapag-ambag siya sa mga kababayan nating nangangailangan.

Nagtataka naman tayo kay Ms. Atty. Human Rights, bakit si Mayor Isko lang ang nakita niya?

Bakit hindi niya napansin si Senator Manny Pacquiao, si Mayor Sara Duterte, at ang iba pang politiko na nag-eendoso ng mga produkto para sa TVC?!

Hindi fair si Ms. Atty. Human Rights.

Anyway, mabuti na lang at hindi nila kayang papanghinain ang loob ni Yorme.

Sulong Yorme!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *