Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pekeng’ airport police naghahari sa NAIA terminals

SABI, ang langaw kapag nakatuntong sa kalabaw dinadaig pa ang kanyang tinutuntungan.

May isa pang kasabihan: Ang langaw talagang ganyan, laging naghahanap ng taeng (eskyus me po) makakapitan.

Hik hik hik!

Kaya hindi na tayo nagtataka kung mayroong isang tawagin na lang natin sa alyas na Dogi-Dogi, na sinasabing aso as in asungot ng isang Airport official, ang nagpupulis-pulisan para manindak ng mga tahimik at parehas na naghahanapbuhay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dinaig pa raw nitong si Dogi-Dogi ang kanyang among tunay na opisyal ng NAIA sa panghihingi ng ‘tara’ mula sa mga solicitor.

Kapag hindi nagbigay, parang lespu na nanghuhuli ng mga hindi nagtatara sa kanya mula terminal 1, 2 & 3.

Wattafak!

“Ang sarap manapak!” Sabi nga ng mga tinatarahan niyang solicitors.                Take note lang po GM Ed Monreal, mayroon siyang daily at weekly collections.

Uy dinaig pa ang APD chief?!

Marami tuloy ang nagtatanong, pulsi ba ‘yang si Dogi-Dogi?

E ang lakas manghingi ng tara?!

GM Ed Monreal, alam ba ninyong mas sikat pa sa inyo ‘yang si Dogi-Dogi dahil sa lakas sumikwat ng tara sa mga solicitor?!

Tsk tsk tsk…

Pakikalos na nga po, GM Ed Monreal.

PAGKAMATAY NG LABORER
NA NAHULOG SA GINAGAWANG
ILLEGAL STRUCTURE
SA MULTINATIONAL VILLAGE
ITINAGO SA PULISYA?

Maraming homeowners sa Multinational Village ang nasindak sa isang death incident na mabilis na naitago sa publiko ng isang opisyal ng homeowners association.

Kung noong nakaraaan ay tinalakay natin ang reklamo ng homeowners na talamak ang konstruksiyon ng mga illegal structure sa loob ng village, ngayon naman ang nakasisindak na pagkahulog sa ginagawang illegal structure ng isang laborer. 

Naganap umano ang death incident sa isang ginagawang illegal structure malapit sa tennis court nitong Lunes. Wala umanong permit ang konstruksiyon pero tuloy lang ang pagpapagawa.

Ayon sa mga nakasaksi, nahulog sa beam ang construction worker, basag ang bungo kaya patay agad.

Pero mukhang hindi na makakamit ang hustisya sa pagkamatay ng nasabing laborer dahil hindi na itinawag sa pulis at hindi na ipina-blotter ang pangyayari.

Isang saksi, ang nakausap mismo ang asawa at ina ng kaawa-awang biktima. Huwag na raw umano silang magreklamo kasi wala naman silang magagawa. Katunayan pagdating doon ng asawa at ina ay malinis na ang “scene of the crime.” At ang entrance ay tinakpan na ng yero.

Naku ayaw ng SOCO nang ganyan!

Wala na umanong magawa ang asawa at ina dahil inareglo na sa halagang P300,000. 

OMG!

Isang 27-anyos bread winner ang namatay. May dalawang anak na kailangan pa ng aruga ng isang ama. May asawa at inang umaasa pero inareglo lang ng P300,000?!

Paano na ang mga naulila?!

Paano makukuha ng pamilya ng construction worker ang kanilang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG benefits kung wala silang death certificate ng kanilang padre de familia?!

Paano sila makakukuha ng death certificate kung hindi nga naimbestigahan ng police ang death incident?!

Sino ang gagawa ng death certificate? Ang homeowners official na umareglo sa ina at asawa?!

Kakulangan na sa safety measures ang ikinamatay nong construction worker tinang­galan pa ng karapatang makamit ng mga naulila ang benepisyo dahil hindi pinaimbestigahan ang crime scene?!

Paging Parañaque City police chief, P/Col. Robin Sarmiento, puwede bang makalusot sa inyo ang ganitong insidente?!

Paging Parañaque City Building Permit chief, Engr. Armando Arsenio, wala ba kayong planong magrekorida sa mga illegal structure na inire-re­klamo ng mga homeowners sa Multinational Village?!

Kailangan na po ng agarang aksiyon, mga Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *