Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Chinese prostitution’ matagal nang namamayagpag sa hi-end KTV bars and clubs sa south Metro Manila

NITONG nakaraang hearing sa Senado, dininig ang iba’t ibang isyung kaakibat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) — at isa na rito ang anila’y talamak na prostitusyon sa hanay ng mga babaeng Chinese nationals.

Lumabas sa pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros, naging talamak umano ang prostitusyon sa bansa nang dumagsa ang POGOs.

Nasalang din ang National Bureau of Investigation (NBI) at sila mismo’y pinatunayan na ibang level na ang talamak na prostitusyon ngayon — online na umano ang “booking” sa mga babaeng Chinese na karamihan ng kliyente ay mga high end din.

Pero sa kaalaman po ng nasabing mga institusyon at ahensiya ng ating gobyerno, halos dalawang taon nang nilalaman ng kolum natin ang isyung ‘yan — ang Chinese prostitution.

Maraming high end KTV bars and clubs ang matagal nang namama­yagpag diyan sa Pasay and Parañaque area lalo sa Aseana.

Hindi pa patok ang POGOs sa ating bansa, boom na boom na ang Chinese prostitutions sa area na ‘yan.

Hanggang nitong nakaraang hearing nga sa Senado, kinompirma mismo ni NBI Deputy Director for Special Investigation Services Vicente “Jun” De Guzman, ibang klase na umano ang booking ngayon ng mga Chinese prostitute — online na.

Pero sa totoo lang, kung seryoso ang law enforcer units sa pagsugpo ng Chinese prostitutions sa bansa hindi kailangan ‘yang mga online prosti lang ang maging target nila.

Nariyan pa rin kasi sa Aseana sa Macapagal Blvd., sa high end leisure and entertainment places, at sa malalaking casino sa Pasay at Parañaque sinasabing talamak ang Chinese prostitutions.

Simpleng-simple lang ang diskarte, kunwari ay nasa VIP rooms ang mga Chinese prostitutes na parang customers din ng high-end KTV bars/clubs. Pero naroon sila sa VIP rooms para maghintay ng mabibingwit na customer.

Ilan sa KTV clubs/bars na  may ganyang sistema ang Avia International Club na nasa loob mismo ng Resorts World Manila at Tycoon KTV De Luxe sa Aseana.

Ilang ‘tip’ lang po ‘yan mula sa mga impormasyon na ipinararating sa inyong lingkod.

Kung seryoso si Senator Risa Hontiveros, dapat siyang magrekorida sa area na ‘yan, sa mga lugar kung saan namamayagpag ang POGO at mga casino at magsama na rin siya ng mga taga-IACAT upang mailantad sa publiko kung sino ang nasa likod ng Chinese prostitution na ‘yan.

It’s your turn, Madam Senator Risa Honti­veros.

HYUNDAI PARAÑAQUE WEST
NI DINGDONG DANTES
MAY SERBISYONG BULOK

Hindi nakatutuwa ang serbisyo ng Hyundai Parañaque West na sinabing pag-aari ni Dingdong Dantes at ng congressman na si Irwin Tieng.

Nitong nakaraang Oktubre 2019 isang kabulabog natin ang kumuha ng H100 Hyundai van sa nasabing distributor. Bago matapos ang 2019 ay nabayaran na lahat ang nasabing unit ng sasakyan pero inbot pa ng  tatlong linggo bago nai-deliver ang van and take note wala pang OR/CR.

E kung hindi tayo nagkakamali, matagal na ang dalawang linggo para maisyuhan ng OR/CR ang isang sasakyan.

Pero ngayon, matatapos na ang Enero, wala pa rin ang OR/CR. Ang masaklap pa, nagsara ‘yung Hyundai Parañaque West.

Hindi naman siguro nakapagtatakang magsara ‘yan — e ang sama nga ng serbisyo.

Sa kanilang pagsasara, lahat ng backlogs nila ay itinuro sa Hyundai Bacoor. Ang sagot naman ng Bacoor kapag pina-follow-up sa kanila ‘e ipino-process na raw.

Ang tanong, sino ba talaga ang may problema, ang HYUNDAI ba o ang LTO?!

Pakisagot lang po, pero please huwag kayong magturuan, kasi hindi naman bumili ng sasakyan ‘yung kabulabog natin para itengga lang sa kanilang garahe.

Puwede ba Mr. Dingdong and Congressman Tieng?!          

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *