Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lockdown sa 2 bayan ng Batangas tinanggal 6 barangay off-limits pa

TINANGGAL ng mga awto­ridad ang lockdown order sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa lalawigan ng Batangas kahapon, 27 Enero, maliban sa anim na barangay na nasa “seven kilometer-radius danger zone” na itinituring na nasa panganib kung sasabog muli ang bulkang Taal.

Pinakahuli ang dalawang munisipalidad sa 14 bayan at mga lungsod sa lalawigan na muling nagbukas mata­pos ang pagbuga ng abo sanhi ng pagsabog ng bulkang Taal matapos ibaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Linggo, 26 Enero, sa alert level 3 mula alert level 4 dahil sa paghina ng posibilidad ng mapanga­nib nitong pagsabog.

Ayon kay Agoncillo Mayor Daniel Reyes sa panayam, pinayagan nila ang mga residenteng pu­wer­sahang inilikas noong nakaraang dalawang linggo, na bumalik sa kanilang mga tahanan.

Dagdag ni Reyes, nauna niyang pinabalik ang mga puno ng pamilya upang makapaglinis bago pabalikin ang matatanda at bata dahil sa panganib ng sakit sa baga dala ng abo.

Ibinalik na rin ang kor­yente at tubig sa ilang bahagi ng bayan ng Agoncillo.

Gamit ng ibang residente sa paglilinis ng kanilang mga bakuran at bahay ang tubig mula sa kanilang balon.

Samantala, mananatiling naka-lockdown ang mga barangay ng Bilibinwang, Subic Ilaya, at Banyaga.

Dedesisyonan pa umano ng alkalde kung bibig­yan ng window hours ang mga nabanggit na barangay.

Sa bayan ng Laurel, pinayagan na rin ng lokal na pamahalaan na bumalik ang mga lumikas na residente sa kanilang mga tahanan mali­ban sa mga nakatira sa mga barangay ng Bugaan East, Buso-Buso, at Gulod, na nasa “seven kilometer-radius hazard zone” ng bulkang Taal.

Nananatiling off-limits ang buong volcano island o Pulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …