NGAYONG pinag-uusapan sa buong mundo ang kaso ng coronavirus mula sa Wuhan, China, kailangan na itong harapin at dapat na rin magbigay ng opisyal an pahayag ang China.
Pero siyempre, nag-iingat ang China dahil baka magamit laban sa kanila ang pahayag na kanilang ilalabas.
Alam kaya ng China, na usap-usapan sa Hong Kong at Macau na umabot na sa 20,000 Chines nationals ang namamatay sa Wuhan?!
Sabi nga, mas matindi pa ito sa SARS na tumama sa Singapore.
Pero sabi rin ng mga Chinese sa HK at Macau, ang coronavirus ay namamatay sa mainit na temperature o klima.
Kaya siguro masasabi nating mapalad pa rin ang Filipinas lalo’t sumabay ito sa pag-aalboroto ng Taal.
Kapansin-pansin na biglang nawala ang lamig ng hanging amihan nang pumutok ang bulkang Taal.
At ilang panahon na lang summer na naman kaya mukhang kusang mamamatay ang coronavirus sakali mang mapadpad sila sa Filipinas.
Pero, huwag kalilimutan ang tagubilin ng mga eksperto, siguruhing laging malinis ang kamay. Kung dati ay tuwing kumakain lamang naghuhugas ng kamay, aba ngayon, dapat ay oras-oras na naka-hand sanitizer o alcohol spray lalo ang mga laging nasa labas ng kanilang tahanan gaya ng mga estudyante, empleyado sa pribadong sektor, kawani ng gobyerno, at iba pang grupo na laging humaharap sa publiko.
Hindi naman sa diskriminasyon ha, pero mayroon pa rin ibang tao, lalo sa mga rural area, genuine intsik (GI) man o ibang lahi, ang hindi natuturuan ng tamang hygiene.
Minsan nga kahit sa ilang restaurant, naiinis tayo sa mga GI na dahak nang dahak, habang ‘yung iba naman dura nang dura kahit saan, kapag naglalakad sa kalsada.
Sabi nga, ang tamang gawi o aksiyon para huwag madale ng coronavirus ay magtakip ng ibig kapag umuubo o kaya ay magtakip ng tissue sa bibig, gumamit ng N95 mask, at ‘yun nga pirming maghugas o panatilihing malinis ang kamay at huwag hawak nang hawak sa mata, ilong at bibig.
Konting background lang po, unang nadiskubre sa Wuhan, China ang muling pagkalat ng epidemya na umabot na sa halos lahat ng bansa sa Asya.
Sa mga hindi pamilyar sa virus na ito, ayon sa World Health Organization (WHO), ang coronaviruses ay isang uri ng sub-mikroskopikong organismo na nagsisimula sa ordinaryong sipon hanggang ito ay lumala at tumungo sa mas malalang sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at kung mas lalala pa ay puwedeng umabot sa pagiging Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Ang virus na ito ay nagmula sa hayop na humahawa sa tao tulad ng “SARS” na karaniwang nakukuha sa sakit ng pusa (civet cats) patungo sa tao, samantala ang “MERS” naman ay nanggaling sa isang uri ng kamelyo na humawa naman sa ilang nilalang sa Middle East!
Ang isang novel coronavirus ay na-identify sa China noong 7 Enero at pinangalanang 2019-nCoV at kompirmado na ngayon ang kaso ng pagsasalin o hawaan ng tao-sa-tao.
Noong 2002 hanggang 2003, halos 800 ang namatay sa buong mundo dulot ng SARS samantala ang MERS naman ay hindi gaanong kumalat at dagling naagapan.
Ayon sa Chinese authorities, 17 ang namatay sa buong Hubei province sa China, na kinaroroonan ng Wuhan, ang kabiserang lungod nito. Umabot sa 571 kompirmadong kaso ang naitala.
Kamakailan lang ay napabalita na may nakapasok na Chinese national na may sintomas ng naturang sakit. Sinasabing sa Kalibo International Airport nag-land ang nasabing pasahero. Ang nasabing airport ay may dumarating na flights mula sa Wuhan, China.
Bagama’t itinanggi ng Provincial Health Officer na Kalibo, Aklan na positibo sa naturang sakit ang pasahero, agad kumalat ang masamang balita. At hanggang ngayon maraming ‘fake news’ ang kumakalat sa social media.
Sa ganitong panahon at kalagayan, siguro ay mas makabubuting magbigay na ng opisyal na pahayag ang China kaugnay ng coronavirus.
Sa ganoong paraan ay mawala na ang takot ng mga mamamayan sa ibang bansa.
ANG VIRUS-RENOVATION
NG KALIBO INT’L AIRPORT
MASYADO yatang aligaga ang social media at isang malaking network tungkol sa pagpasok ng isang turistang may kaso ng coronavirus sa Kalibo International Airport (KIA).
Dahil dito madaling na-sensationalize ang balita kahit may mga nagsasabi na exaggerated (‘di ba OA to tha maxx?) ang kanilang response.
Para sa atin, kung ang nasabing airport ang pag-uusapan, mas nararapat sigurong subaybayan ang mabagal na pag-usad ng konstruksiyon ng KIA mula nang ito ay i-renovate tatlong taon na ang nakararaan!
Huwat?!
Noong tumama ang bagyong Ursula, isa ang Region 6 sa mga naging sentro ng kalamidad.
Sapol ang probinsiya ng Aklan, Capiz, at Antique sa lakas ng hagupit ni Ursula!
Sa mga establisimiyentong naapektohan, isa rito ay Kalibo International Airport (KIA) na daig pa ang tila tinamaan ng “tornado” dahil halos magiba ang lahat ng pader maging ang bubong ng paliparan!
Nalaman natin na after two and a half years, tagpi-tagpi at patsi-patsi pa rin ng plywood at mumurahing hardiflex ang mga nakakabit sa nasbaing airport!
Pati bubong ay tumutulo kaya naman kahit turista ay nakapayong sa loob?! Ang mga floor tiles ay mabilis na nagtuklapan?!
Wattafak!?
O, ‘di ba kayo kinikilabutan sa accomplishments ninyo mga boss diyan sa CAAP?!
Kaya naman mas gusto n’yong pumutok ang coronavirus para ibang agency ang pag-usapan at hindi kayo (CAAP)?!
Tang-enuh!
Ang tanong, since mahigit dalawang taon nang ini-renovate ang KIA, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ‘yan?!
Gaano ba kalaki o kalawak ang ginagawa sa airport na ‘yan at tila walang katapusan ang konstruksiyon diyan?!
Arawan ba o pakyawan ang bayad sa contractor?!
Balita natin ay 3 sub-contructors na ang nagpapalit-palit sa paghawak ng ginagawa riyan pero hanggang ngayon parang wala namang nagagawa?
Dagdag pa, halos tatlong katao lang daw ang nakikitang nagtatrabaho riyan?!
Hindi pa ba ninyo maubos-ubos ang budget sa renovation diyan!?
Sonabagan!
Baka naman umabot pa sa sunod na administrasyon ‘yan aba’y mahiya naman kayo sa performance ninyo?!
Noon ngang nakaraang administrasyon, balita natin ninenok ni Sec. Pabaya ‘este Abaya ang P700-M budget na nakalaan para sa bagong airport na gagawin sa Kalibo, ‘yun pala, may nagmana pa rin ng sistema?
King-enuh talaga!
Ayos talaga ang performance ng mga bata mo riyan sa KIA, Capt. Jim Sydiongco!
Baka ang bagay sa mga ‘yan ay gawing taga-tambol sa ati-atihan!
Right, Mr. Efren Nagrama!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap