Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

6 tulak, arestado sa P442K droga

ARESTADO ang anim na sinabing notoryus na tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng P442,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong sus­pek na sina Bernard Ma­sang­ya, 30 anyos, John Arem Alinea, 38 anyos, Ronald Alinea, 48, Rady Pedragorda, 41, Roberto Rosal, 50, at Fred Gregory, 47 anyos, kap­wa residente sa Brgy. North Bay Boulevard North ng nasabing lung­sod.

Batay sa ulat ni Col. Balasabas kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ronaldo Ylagan, dakong 1:00 am nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt.  Charlie Bontigao ang buy bust operation laban sa mga suspek sa Dapa St., Brgy. NBBS.

Nagawang makipag­transaksiyon ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahaga sa P1,500.

Matapos ang tran­saksiyon, agad nagbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kabaro kaya’t mabilis na sumugod ang mga operatibang back-up saka sinunggaban ang mga suspek.

Ayon kay SDEU investigator P/Cpl. Florencio Nalus, nakom­piska sa mga suspek ang isang medium plastic sachet at 14 plastic sachets na naglalaman ng 65 gramo ng shabu na nasa P442,000 ang halaga, buy bust money at P500 bill. (R. SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *