Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Limitasyon ng POGOs sa bansa sinimulan na

UNTI-UNTI nang pinakikilos ng Malacañang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang limitahan ang operasyon ng Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa loob ng bansa.

Kumbaga, napundi na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya’y sandamakmak na ‘side effects’ o iba’t ibang suliraning panlipunan sa maluwag na pagpayag ng pamahalaan sa pagpasok ng maraming POGOs sa bansa.

Alam naman natin na hindi lang ito, simpleng problemang pang-ekonomiya kundi lamat din sa pagpapanday ng moralidad sa hanay ng mga mamamayan lalo sa kabataan.

Nariyan din ang talamak na kidnapping ng iba’t ibang grupo ng Chinese nationals na ang binibiktima ay mga kababayan nilang nagkakautang sa kanila dahil sa POGO.

Hindi lang simpleng kidnapping, nagkakapatayan pa sila.

Sakit rin sila ng ulo ng law enforcement units natin. Bakit ‘kan’yo? Kasi sa totoo lang, nagiging banta sila sa peace and order sa ating bansa.

Pero kapag nahuli naman ang mga kidnapper, hindi naman natin sila puwedeng ikulong dahil kukunin sila ng kanilang Embassy at doon lilitisin sa kanilang bansa.

Ibig sabihin, imbes na ‘yung mga pulis o operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nakatuon sa pagpa­patupad ng kaayusan at kapayapaan para sa mga mamamayang Filipino ay naaagaw pa ng mga dayuhang ‘yan.

Nagiging ugat din sila ng korupsiyon. Kasi marami sa kanila ay naglalagay sa pulisya para pakawalan na lang sila. At dahil wala ngang direktang awtoridad sa kanila ang ating pulisya, pumapayag na rin sa gusto nila.

Isa pang matinding korupsiyon at panla­lamang sa gobyernong Filipino ang operasyon mismo ng mga service provider kuno ng mga POGO.

Pero sa realidad, ‘yang mga service provider na ‘yan, ay pasok din sa operasyon ng online gaming.

Ganyan kasimple ang panggogoyo nila sa gobyernong Filipino — simple pero high tech!

Watatafak!

Kahit itanong pa ninyo kay Mr. Wong.

‘Di ba Kim?!

Sana ay gayahin ng Filipinas ang Cambodia na unti-unti nang tinatanggal sa sistema nila ang POGO.

Ang mga POGO umano sa Cambodia ay nagagamit naman para maglabas-pasok ang ilegal na droga sa kanilang bansa patungo sa kanilang mga karatig na bansa.

Hindi man namamalagi ang ilegal na droga sa kanilang bansa dahil mahigpit ang kanilang gobyerno, nagiging transit point naman sila.

At ‘yan ang dahilan kung bakit desidido ang pamahalaang Cambodia na palayasin na ang POGO sa kanilang bansa.

Sana naman ay ganoon an rin ang posisyon ng gobyerno natin laban sa POGO.

Palayasin ang POGO!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *